"Ikaw ang hayop Valen, karapatang marinig ng anak mo ang katotohanang hndi ang asawa ko ang kaniyang ama! Para naman hindi siya magmumukhang tanga pagdating ng araw! Tigilan mo na ang kasinungalingan mo Valen, dahil alam mong hindi si Gregor ang ama ng anak mo! Ginagamit mo lang siya para hindi ka iiwanan ni Gregor, dahil takot kang maghihirap!" "Hindi totoo 'yan! Huwag kayong gumawa ng maling kuwento!" galit niyang sigaw pero tinatawanan lang siya ni mommy. "Valen, hindi ako sinungaling tulad mo, para lang makuha ang iyong gusto! At lalong hindi ako nagpapabuntis sa ibang lalaki pero ipaako ko sa iba!" Kung makapagsalita ka Veronica akala mo hindi makati ang anak mo, akala mo hindi ko alam na may asawa na ang kinakalantari niya? At isa pa ibang lalaki ang nakabuntis sa anak mo, pero

