Lalo nang alam kong nakikipag-s*x siya nito. "Samantha, sana hindi darating ang araw na basta mo na lang akong iwanan. Sana maisip mong ni minsan ay hindi kita pinabayaan. Na malinis ang entensiyon ko sa inyo ng anak mo. Alam kong hindi ko dugo ang nanalaytay sa ugat ni Daniel, dahil hindi ko totoong anak si Darren, pero mahal na mahal ko pa rin ang bata, kahit hindi ako ang kaniyang ama. Hinaplos ko ang mukha ni Sam, nagulat ako nang hinawakan niya nang mahigpit ang aking kamay. "Darren, huwag mo akong iwanan, mahal na mahal kita Darren." para akong kandilang nakatirik, ni hindi ko maigalaw ang aking mga kamay, hinayaan ko na lang siyang hawakang mahigpit ang aking kamay, nararamdaman ko ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. Nasasaktan ako, at hindi ko alam kung paano tanggap

