"Okay naman ba?" Tanong ng kaibigan ko matapos lunukin ang pagkaing nasa bibig nito.
Kasalukuyan kaming kumakain sa isang resto malapit sa pinagta-trabahuhan namin. Hindi naman kami gaanong magastos dahil mura lang naman ang paninda rito.
Inirapan ko muna siya bago sagutin ang tanong niya.
"Sobrang cold and distant niya. Nakakatakot magkamali. Isa pa, ang awkward ng atmosphere doon, sobrang tahimik." Nakangiwing sumbong ko. Lunch break ngayon at katulad ng dati ay palagi pa rin kaming sabay na kumakain.
"Sus. Baka sa una lang yon. Malay mo next time, maka-kwentuhan mo na siya!"
"Ha! Imposible yon." Sagot ko at ayaw ko man pero pilit na nagfa-flashback ang nangyari kagabi. Gosh, this is making me go crazy.
Padabog kong ibinagsak ang kutsara at tinidor sa lamesa dahilan para magulat ang kaibigan kong sa harap ko lang nakapwesto.
Bakit ba paulit-ulit na bumabalik yon? Kailangan ko na iyong kalimutan! Hindi maganda to! Nagmumukha akong manyak dahil dito e.
"Ano ba nangyayari sayo?" Curious na tanong ng kaharap ko at nakakunot pa ang noo.
"Anong mangyayari sakin? Wala ah!"
"Hah! If I know, mula nang i-announce kanina ang bago mong position ay parang aligaga ka ng palagi at parang kinakabahan."
Ha? Napansin pa niya iyon? Aish.
"Hindi ko alam ang sinasab--"
"Aha! Alam ko na." Biglang sabi niya at itinutok pa sa akin ang tinidor na hawak niya. Bahagya akong napalunod at ramdam ko ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko sa kaba.
Alam na ba ñiya ang nangyaring iyon? Paano? Kelan? Bakit?
"May gusto ka sa kanya ano?" Nakangiting tanong pa niya.
Bahagya akong natigilan at nangunot ang noo. Ano bang pinagsasasabi nito? Teka, that means, hindi pa niya alam?
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa naisip ko. I am still safe. Katakot-takot na sermon at bugbog ang aabutin ko sa kaniya kapag nalaman niya!
"Kumain ka na lang. Ah~ ah~" sabi ko at astang sinusubuan siya ng pagkaing nasa kutsara ko. Since alam kong wala siyang tinatanggihan basta pagkain, ayun isinubo pa rin niya.
The whole day, I was busy preparing for his meeting and all the agendas of the company. Sobrang dami palang ginagawa nito unlike sa position ko dati.
I had to start from zero dahil bukod sa wala akong alam ay kailangan ko pang aralin ang data na ibinigay ng personal assistant niya.
Napag-alaman ko din na ginawa siyang assistant ng chairman panadalian habang nag-uumpisa pa lamang ito para i-guide siya at ako na secretary niya sa kung ano ang dapat gawin. Siya pala ang secretary at assistant ng chairman before.
"Monique, ibig sabihin ba present din ako sa mga meetings niya?" Pag-uulit ko. Parang hindi ko kaya iyon. I think I will be suffocated kapag nasa loob ako ng office na iyon and listening about everything I don't understand. Parang sasakit lang ang ulo ko doon.
"Yes. It is mandatory for the secretary to attend," napangiti ito, nakita yatang kinakabahan ako. Jusko, talagang kinakabahan ako. "Don't worry, ganyan lang talaga yan sa simula. After a few days or weeks, masasanay ka na at parang magiging hobby mo na lang siya. Also, maraming benefits ang ino-offer sa isang secretary. Alam mo ba na they are given a privilege to have their own condominium?"
Agad akong napalingon sa kaniya at nanlalaki ang mga matang napatitig dito. Napatawa siya sa reaction ko.
Talaga ba?
"And a car." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at mas lumakas ang tawa niya.
Seryoso ba yan?
"And of course, salary increase. Twice the salary of your previous position in the company."
Napatitig ako lalo sa kaniya.
Hindi nga? Seryoso nga? As in legit?
Nang makita ko ang natatawa niyang itsura ay napaismid ako.
"Ginu-good time mo lang naman yata ako e." Reklamo ko. Aba kung ganon naman pala ang benefits e baka magustuhan ko na rin ang maging secretary niya. Sulit na sulit.
Natawa ulit siya.
"No. Actually, pinaprocess na siya ngayon. Basta lang aayusin mo ang trabaho mo kung ayaw mong palitan ka. You see, the president is different from the chairman. Mas strict ito, intimidating, competent and proud. Ayaw niyang nasasayang ang oras niya sa kung anong bagay na hindi importante. Ayaw nya ng incompetent na secretary. Ngayon pa lang ay masanay ka na sa pagiging cold and distant niya. That is his normal pero wag na wag mong gagalitin, nagiging dragon yan pag nagagalit at bumubuga ng apoy."
Ilang beses akong nag-blink sa sinabi niya at sabay na lang kaming natawa sa huling sinabi niya.
Inilibot niya rin ako sa iba't-ibang department doon at ipinaliwanag kung ano, para saan at kung ano ang halaga nito sa company. She's actually a good teacher. Ang galing niya magpaliwanag kaya kahit papaano ay pumapasok sa kokote ko ang mga sinasabi niya.
"I believe this is your previous department, right?" Aniya at itinuro ang dating office namin.
Tumango ako.
"Siguro naman ay alam mo na ang role ng department niyo?" Tumango ako ulit. "You see, one reason I saw kung bakit ikaw ang napili at bukod sa unique credentials mo ay mas prefer nila ang galing mismo sa operation team. That way, mas makakapg-generate ng idea at mas makakatulong ka sa kung paano ino-operate ang company dahil alam mo kung paano ang tamang proseso ng bawat production nito."
Napatango ako sa sinabi niya. I agree. "Pero diba mas maganda kung sa marketing team manggagaling?" Tanong ko pa. Kasi doon, mas alam niya kung paano makapag-generate ng solutions and ideas.
"Para sa chairman, mas okay pa rin sa operation kasi mas alam nila kung ano ang mga kulang, sobra at kung ano ang dapat gawin. Kung sa marketing ka lang at ang pag-manarket o pag-isip ng product ka magaling pero wala kang experience sa process nito, mga insights lang ang maibibigay mo base sa kung ano ang nagawa mo sa department nyo. However, kung sa operation ka, malalaman mo saan nagkamali at ano ang pagkukulang, that way, mas makakaisip ka ng konkretong solution because you've been there already and you know what to do."
Ang galing naman niya. Napatango-tango ako dahil agree talaga ako sa sinabi niya. May point naman.
Nagsimula na siyang maglakad at nilampasan ang office namin kaya sumunod ako rito.
Nang mapalingon ako sa loob ay nakita ko pa ang kaibigan ko na kumakaway sa akin kaya kumaway din ako pabalik na parang excited.
Glass ang wall sa bawat department dito kaya visible sila sa labas.
I think, I have to learn more about my responsibilities. Kung pakikinggan mo ang mga sinasabi ni Monique, you'll know na marami talaga siyang alam sa kahit anong field and very knowledgeable talaga. I want to be like her someday.
For now, siguro I'll try and do my best to be a better secretary.