INOPERAHAN sa puso si Ama. Kasalanan ko iyon. Kung hindi sana ako nagdala ng problema, hindi sana siya ma-i-stress. Hindi sana siya aatakihin sa puso. “Kumusta si Ama? Successful ba ang naging operation sa kaniya?” pagpukaw ni Elle sa aking atensiyon kaya isa-isa akong napatingin sa mga kaibigan kong dumalaw sa akin. Sa sobrang dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko ay hindi ko namalayan na napatulala na pala ako kulungan ng tandang na nasa aming harapan. “Masien, gagaling ang tatay mo. Magsasabong pa kaya iyon,” singit naman ni Cyllene pagkatapos ay tinapik-tapik pa ang aking balikat. Bumuntonghininga naman ako. Napakaraming nangyari sa akin sa loob ng isang buwan. Iniwan ako ni Yevhen, inatake sa puso si Ama, at ayaw na akong tigilan ni Mark tungkol sa pinaplano niyang kasal d

