“HINDI ako buntis,” paulit-ulit kong sambit habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test kit. Hindi pwede! Ano na lang ang sasabihin ko sa anak ko? Na hindi babae ang ina niya, pero kumabit sa lalaking may asawa't anak na?! “Pare koy, matagal pa ba iyan? Kanina ka pa namin hinihintay rito sa labas.” Bigla akong napabalik sa wisyo nang marinig ko ang pagkatok ni Klein sa labas ng pinto ng banyo. Ilang minuto na ba akong nandito bago ko ginawa ang instruction sa test kit? Tang ina. Kinakabahan ako. Paano kung may nakalusot na sperms sa condom tapos nakapasok sa akin? E 'di, buntis nga ako?! “Masien, kung hindi ka lalabas diyan, lalo kang malilintikan sa akin,” galit na babala naman ni Devin kaya napabuntonghininga na lamang ako bago ako nagdesisyon nang lumabas ng banyo. “W-wala

