“PUTANG ina ng lahat ng mga lalaki sa mundo!” inis kong sambit habang habang nakasalampak sa mahabang sofa namin sa salas. Hinding-hindi ko siya patatawarin! Isisiksik kong mabuti sa puso't isip ko ang sakit para hindi ko makalimutan ang pambababoy at panloloko niya sa akin. Puta. Gusto ko ngang maghiganti, e. “Isa pa 'tong very reliable source ko. Putang ina mo rin, Cluwis.” Pinigilan ko ang aking sarili na ihagis ang hawak kong cellphone. Noong isang araw ko pa kasi hinihintay ang reply niya, pero pati yata siya ay iniwan na rin ako. Gusto ko pa naman sanang alamin kung sino ang may pakana ng pag-fe-frame up sa akin sa media, at kung totoo 'yong kasal na sina Yevhen at Clementine, pero wala pa rin akong nakukuhang balita. “Kung kailan kailangang-kailangan ko ng tulong ay saka ka na

