“SURE ka na bang aalis ka talaga, Miss Masien?” malungkot na pag-uusisa ni Eva nang makita niya akong nag-iimis ng aking mga gamit. Napangiti naman ako nang pilit bago ako tumango. Wala na namang dahilan kung bakit mananatili pa ako rito. Wala na si Yevhen. Hindi ko siya ma-contact. Simula noong sumabog ang balita tungkol sa kanilang dalawa ni Clementine ay hindi na siya pumasok. Hindi siya nagparamdam at wala ring nakakaalam kung nasaan siya hanggang sa nabalitaan na lang naming lahat kahapon, pagkatapos ng general meeting, na umalis sila ng bansa ni Clementine kasama si Jaxsen. Putragis! Harap-harapan akong ginago, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagawa ko pa ring tumulong kay Sir Daryl sa pakikipag-usap at pagmamakaawa sa board members para lang isalba ang ka

