BAKIT hindi ko man lang napansin?! Kaya pala nagpapahaging siya sa akin noong nakaraan tungkol sa anak ay dahil may ibig sabihin na pala siya roon. “Maria, please let's talk,” Yevhen begged as he followed my footsteps. Kanina pa siya nakasunod sa akin kung saan man ako magpunta. Wala pa nga siyang nagagawang trabaho ngayong araw dahil sa pangungulit niya sa akin. “Marami akong ginagawa. Inaayos namin 'yong foundation party para sa isang buwan,” pagdadahilan ko naman upang tumanggi sa gusto niyang mangyari. Isinaksak ko sa isip kong may anak na sila ni Clementine at ginamit niya lang ako. “I'll help you with it. Just talk to me, love,” masigla niyang tugon na ramdam na ramdam ko ang pang-uulok. “Sir, nasa oras tayo ng trabaho,” labas sa ilong kong katwiran bago ko siya tinapunan ng t

