“WAS that real? May nangyari sa ating dalawa?” A series of serious questions came out of his mouth. Napalunok naman ako at tinitimbang kung magsasabi ako ng totoo. “Let’s go to my office.” Mabilis niya akong hinawakan sa aking palapulsuhan pagkatapos ay hinila niya na ako papasok sa loob ng kaniyang opisina. Hindi ko na tuloy nailapag ang bag ko sa aking mesa. “Maria,” punong-puno ng pag-aalala niyang tawag sa aking pangalan matapos niyang isara at i-lock ang pinto. Umatras naman ako nang lumapit siya sa aking pwesto. “Sir, wala,” matipid kong sagot bago ko iniwasan ang kaniyang mapanuring mga mata. “I clearly saw in my dreams that w-we . . . w-we’re both naked and I am f*****g—” Sinaway ko siya agad at bumuntonghininga. “May damit tayo at walang nangyari sa atin, okay?! Kalimutan mo

