SIMULA noong matapos ang pag-uusap naming iyon sa bahay hanggang sa opisina ay iniwasan ko na siya nang mabuti. Naudlot na naman tuloy ang plano kong pakikipagkita sa mga chikababe ko dahil bigla akong na-stress sa paulit-ulit na pagbabalik sa aking memorya ng sinabi sa akin ni Yevhen. Putragis! “Miss Masien, masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Eva na kapapasok lamang sa pantry room. Walang imik ko naman siyang tinanguan habang nagtitimpla ako ng gatas upang mainitan ang aking sikmura. Nakita niya kasi ako kaninang umaga na nagsusuka sa comfort room. Nalamigan yata ako kaya ako sinisikmura. “Araw-araw ka nang wala sa mood. Lagi ka pang inaantok,” komento niya pa bago siya tumabi sa akin sa harap ng mesa at nagtimpla naman ng kaniyang kape. Sa kaniyang paglapit ay nakakasul

