“O-OKAY ka lang ba?” kaagad kong tanong kay Yevhen matapos kaming iwanan ni Ama at ni ninong sa salas. Tang ina. Napakabilis ng mga pangyayari. Matapos niyang pumayag sa sapilitang kasal ay ipinasundo na agad ni Ama kay Dwayne ang ninong kong judge para papirmahin na siya sa marriage certificate. Wala naman akong nagawa dahil parang nabiktima rin ako ni Ama noong dumaing siya kanina na nahihirapan na naninikip na ang kaniyang dibdib. Napapirma rin tuloy ako nang wala sa oras. “How about you? How do you feel?” he finally talked as he looked at me. Napaiwas tuloy ako ng tingin at saka ko inayos ang aking pagkakaupo. Hindi ko maintindihan. Bukod sa mabilis na pagtibok ng aking puso, ano pa ba'ng dapat kong maramdaman? “We’re already married, Maria.” Umisod siya papunta sa aking tabi

