NAGPATULOY ang panggugulo sa akin ni Yevhen. Kung noong una ay pasimple lang siya sa pagsunod-sunod sa akin, ngayon ay sadya na at lantaran na siya kung mangulit. Dalawa na tuloy sila ni Mark na problema ko. Tang ina. “Ate! May bisita ka sa labas!” sigaw ni Dwayne na kapapasok lamang sa loob ng bahay. Pawis na pawis na naman siya kaya paniguradong sa basketball court na naman siya tumambay. Kung nandito lang sana si Levi ay hindi niya magagawa 'yang pagbababad sa laro, kaso nasa one-week seminar ang kapatid namin kaya malayang-malaya siyang magawa ang lahat ng bagay na gugustuhin niya. “Huwag mong sabihing si Mark iyan? Wala na talagang oras na pinili iyan. Hapon na,” iritable kong komento, ngunit hindi naman ako nakakuha ng sagot dahil nagtuloy-tuloy lamang siya sa pagpasok sa lo

