“KUMUSTA ka na?” bungad niyang tanong sa akin kaya malakas akong napabuntonghininga. Putragis! Sa paraan ng kaniyang pag-uusisa ay parang hindi niya ako ginawang kabit at binaboy noon. May anmesia ba siya? “Parang nakita na kita noon, pogi. 'Di ba, mare? Saan ba kita nakita?” sunod-sunod na kwestiyon ng mga tsismosang nasa akong tabi. Kitang-kita ko rin sa mga mukha nilang lahat na iniisip talaga nila kung sino si Yevhen. Napamura tuloy ako sa aking isip. Mayamaya lamang ay maaalala na nila ang balita noon tungkol sa akin at kay Yevhen. “Ah, mga kumare, dito muna pala kayo. Hinahanap ko nga pala si Elle,” nagmamadali kong paalam sa samahan bago ko mabilis na ibinalik sa lalagyan ang kinuha kong plato at kutsara't tinidor kanina. Kaagad din akong naglakad papaalis sa eksena at tulu

