Tahimik lang ako nang makauwi na kami sa bahay ni Andro. Si Robi panay ang buntong hininga, iniisip niya yata ako. Hindi pa rin ako umiisik since noong umalis kami sa hospital. Nag-text ako kay Crisler na nakauwi na ako. Sabi ko ime-message ko na lang siya kapag papasundo na ako sa kaniya. Mga bandang hapon na kami nakauwi sa bahay ni Andro. Sinalubong ako nang mga bata. Nginitian ko naman sila at niyakap nila ako. Muntik na ulit akong maiyak noong yakapin nila ako. I will miss them for sure. Hindi ko kasi alam kung makikita ko ulit sila after nang malaman nila na isa akong kriminal. Iyong mga bata tanong nang tanong sa akin mukhang napansin naman ni Robi na wala ako sa mood ay pinalabas niya muna iyong bata tapos iniwan niya rin ako muna sa loob nang bahay. Pumasok ako sa kuwarto at

