"Kuya, pakain ka, celebrate tayo!" Excited na sabi sa akin ni Robi pag-uwi niya galing sa bahay nila Corrine. Kinunutan ko naman siya nang noo at tinitigan ko. Ano ba sinasabi niya? "Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Kasi magkaka-anak ka-- I mean ako, parang gusto ko magkaanak," sagot niya sa akin. Napailing naman ako sa kaniya. "Bakit may nagugustuhan ka na bang babae?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi ko alam, pero Kuya, pakainin mo kami, kailangan talaga, kasi kapag ito nalaman mo tiyak sobrang tuwa mo!" Excited na pahayag niya sa akin. "Hindi ba kayo kumain?" Tanong ko sa kaniya. "Kumain kami pero iba dapat pakain mo!" "Sarado na restaurant ko, magluluto na lang ako," sagot ko sa kaniya. "Kuya, kahit pizza na lang!" Mabilis na sagot niya sa akin. Tumango naman ako

