"Saan punta mo, Andro?" Tanong sa akin ni Lindo isa sa kasamahan ko sa pangingisda rito sa isla. "Susunduin ko lang si Petchay, madilim na rin ang langit wala pa naman dalang payong iyon," sagot ko. "Nobya mo ba iyong magandang iyon?" Tipid naman akong napangiti at umiling ako sa kaniya. Nagpaalam na ako sa kaniya at nagmadali na akong umalis. Naging abala kasi ako sa pag-aayos ko sa bangka ko kaya hindi ko namalayan ang oras, tapos sakto na medyo masama ang panahon. Baka abutan nang ulan si Petchay roon sa resort at magkasakit pa siya. Nang may masakyan na akong tricycle ay nagpahatid na ako papunta sa resort para masundo siya, sana ay hindi pa siya nakakalis sa resort. Bigla na lang pumatak nang malakas ang ulan kaya lalo akong nag-alala. Habang papunta umaandar ang tricycle ay

