Nang makauwi na kami at maihatid na kami sa bahay ko galing sa charity ball ay nakaramdam ako nang kakaiba sa paligid, parang may mali kaya naman pinigilan ko agad si Petchay noon bago siya pumasok sa loob nang bahay. "Why?" Tanong niya sa akin, mukhang nagulat siya nang pigilan ko siya. "Huwag kang papasok muna," sabi ko sa kaniya. Tinago ko siya sa likod ko bago ko marahan na binuksan ang pinto. Walang emosyon naman akong napatingin sa bumungad sa amin na isang lalaking may hawak ng baril habang nakatutok iyon sa akin. Naramdaman ko naman na napahawak si Petchay sa braso ko. "Ibigay mo na siya sa akin para hindi ka masaktan," sabi noong lalaking may hawak ng baril. Tingin niya ba ang natatakot ako sa kaniya dahil mayroon siyang baril? "Hindi ninyo siya makukuha," kalmado kong sag

