Dumaan ang mga araw at masasabi ko na parang bumalik kami sa dati ni Andro. Hindi naman literal na ayos pero nagkakasundo kami about sa baby. Ramdam ko ang alaga niya, everytime na na gusto ko kumain nang bacon sandwich na mismong gawa niya ay nagpaparinig ako kay Robi. Tapos syempre itong si Robi sasabihin kay Andro kaya minsan kahit hating-gabi na ay pupumunta siya rito sa bahay para gawan lang ako nang bacon sandwich. Noong isang araw ay ginawan niya ako nang maraming stock nang bacon sandwich. Narinig ko na sabi niya noon sa baby magiging busy raw siya this week or baka hanggang next week. Sa baby lang siya nagpaalam, tiyan ko kausap niya noong sinabi niya iyon, e. Hindi na rin naman ako nagtanong kung bakit siya magiging busy, wala naman kasi akong karapatan doon. "Madam, milk

