"I'm pregnant, si Andro rin ang ama!" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Betty Girl. Nakangiti pa siya habang nakatingin kay Andro. "What?" Nakataas na kilay na tanong ko tapos tiningnan ko mula ulo hanggang paa si Betty Girl. Si Andro naman ay mukhang nag-panic. "Betty, ano ba pinagsasabi mo?" Medyo mataas na boses na tanong ni Andro. "Corrine, wala iyon huwag kang maniwal." "Seriously, Andro? Iyan pinatulan mo?" Kunot noong tanong ko. Mukha naman na offend sa akin si Betty Girl. "Bakit? May problema ka ba sa akin?" Tanong ni Betty Girl. "Too many to mention!" Pa-irap kong sagot sa kaniya. Napahawak naman ako sa tiyan ko, wala naman akong ibang nararamdaman, gusto ko lang hawakan ang tiyan ko. Masyadong masama para sa baby ko na marinig niya ang boses nang kinaiinisan ko. "B

