Nakangiti lang akong nakatingin sa mga bata habang naglalaro sila sa park dito sa loob nang subdivision namin. Binisita kasi ulit ako nila Robi sa bahay. Natuwa nga rin siya nang makita niya ako, tumaba raw ako. "Can I ask question?" I asked Robi. "Ano iyon, Girl?" Tanong niya sa akin na nakaupo sa tabi ko. "Did you tell Andro ba na pregnant ako?" "Hoy, hindi a, maniwala ka!" Mabilis niyang sagot sa akin. "Bakit parang guilty ka?" Kunot noo kong tanong. Inirapan niya naman ako. "Nadulas lang ako, pero hindi ko naman nasabi na buntis ka, mukhang wala rin naman siyang idea," sagot niya sa akin. "Ano sinabi mo noong nadulas ka?" Medyo mataas na boses kong tanong. "Girl, kalma baka mapaanak ka!" Sagot niya sa akin habang nakatakip sa tainga niya. Inirapan ko naman siya. Hinawaka

