Nang maidilat ko ang mga mata ko ay kulay puti agad ang nakita ko, nang maalala ko ang nangyari ay bigla akong napabangon at napahawak sa tiyan ko. Agad naman lumapit sa akin si Lily na siyang tao sa room ko. "Ang baby ko?" Tanong ko sa kaniya. "Okay na iyong baby mo, huwag ka nang mag-alala," mahinahon niyang sabi sa akin nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sagot niya sa akin. "Where's Mom?" I asked. "Pumunta lang sa baba para kausapin iyong doctor, sasabihan niya rin daw na mas higpitan ang security mo," paliwanag niya. Tumango naman ako sa kaniya. "Nagugutom ka ba?" "No, water na lang please," tipid na ngiti kong sagot sa akin. Kumuha naman agad siya nang water sa water dispenser na nasa loob nang private room ko. Nang makakuha na siya ay inabot niya ito sa akin. "Okay

