Masayang-masaya ako sa mga nangyari. Lalo na noong unang beses kong nahawakan ang tiyan ni Corrine. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang saya ko noon at hindi ko napigilan ang sarili ko na maiiyak matapos kong hawakan ang tiyan niya. Sobrang saya nang nararamdaman ko parang sasabog ang puso ko dahil sa kabog nang dibdib ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay this time, iingatan ko ang mag-ina ko, poprotektahan ko silang dalawa hanggang nabubuhay ako. Sila ang pinakamahalagang tao para sa akin. Noong monthly check-up ni Corrine ay sumama ako, maaga akong pumunta sa bahay nila para sunduin siya. Sobrang excited ako, dahil ngayong check-up niya rin namin malalaman ang gender ni Baby. Kahit ano naman ay walang problema sa akin iyon. Kahit ano pa siya tanggap ko siya at mahal na

