Chapter-1
Madilim pa nang magising si Madison Vane dahil sa malakas na kalabog na nanggaling sa ibabang bahagi ng kanilang bahay, ilang segundo siyang nanatiling nakaupo sa kanyang kama habang pilit inuunawa kung ano ang nangyari, tahimik ang gabi ilang sandali lamang ang nakalipas ngunit ngayon ay may mga yabag na siyang naririnig sa labas at may mga boses ng mga taong hindi niya kilala. Bumangon siya at mabilis na lumapit sa pinto, ngunit bago pa man niya ito mabuksan ay narinig niya ang boses ng kanyang ina mula sa ibaba.
“Madison, huwag kang lalabas!”
Napahinto siya at agad na napahawak sa doorknob, “Mom"
Walang sagot, kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at bumaba ng hagdan, ngunit bago pa siya makarating sa huling baitang ay isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong bahay, napaatras siya at napahawak sa railing habang may mga gamit na nahulog mula sa mga istante at isang frame ang bumagsak sa sahig. “Mom!” sigaw niya habang mabilis na bumababa.
Pagdating niya sa sala, nakita niya ang kanyang ina na nakatayo sa gitna ng silid, hawak ang isang mahabang kutsilyo habang nakaharap sa pintuan, may dugo sa kaliwang braso nito at halatang pilit lamang nitong itinatago ang sakit. Nanlaki ang mga mata ni Madison nang makita iyon, dahil sa buong buhay niya ay hindi niya kailanman nakitang ganito ang kanyang ina.
“Mom, what happened?” tanong niya habang papalapit.
Agad siyang nilingon ni Elisia at mabilis na lumapit, hinawakan ang magkabilang balikat ng anak at sinuri kung may sugat ito, “Bakit ka bumaba?”
“Narinig ko yung explosion, tapos nakita kitang duguan, sino sila”
Hindi agad sumagot si Elisia, sa halip ay tumingin ito sa paligid na para bang alam nitong anumang oras ay maaari nang may pumasok sa bahay. Muling may malakas na kalabog mula sa pintuan, kasunod ang boses ng isang lalaki na malamig at puno ng galit.
“Alam naming nandiyan ka, Elisia Vane, ilabas mo ang babae at walang ibang kailangang masaktan.”
Napatingin si Madison sa kanyang ina, “Sino sila"
“Hindi mahalaga kung sino sila, ang mahalaga ngayon ay makalabas ka rito.”
“Hindi ako aalis nang hindi mo sinasabi kung ano ang nangyayari.”
“Madison,” mariing sabi ni Elisia habang hinawakan ang kanyang kamay, “kailangan mong magtiwala sa akin.”
Hindi pa rin kumbinsido si Madison, ngunit nakita niyang nanginginig ang kamay ng kanyang ina, isang bagay na halos hindi niya nakita sa buong buhay niya, kaya bago pa siya makapagtanong ay lumakad si Elisia papunta sa isang lumang kabinet sa tabi ng dingding at inilabas ang isang maliit na kahon na matagal nang hindi niya nakikitang binubuksan.
Nang alisin ni Elisia ang takip, nakita ni Madison ang isang kwintas na may maliit na pulang rosas sa gitna, gawa ito sa isang kakaibang metal na hindi niya makilala at may maliit na pulang bato sa gitna ng bulaklak na tila may sariling liwanag kahit madilim ang paligid.
“Ano yan” tanong ni Madison.
“Kwintas na matagal ko nang itinatago.”
“Kanino”
Kay Elisia dapat ang sagot, ngunit ilang segundo itong nanahimik bago muling tumingin sa kanya, “Sa iyo.”
Napakunot ang noo ni Madison, “Bakit ngayon mo lang binigay sa akin?”
“Dahil umaasa akong hindi mo kailanman kakailanganin ito.”
Kinuha ni Elisia ang kwintas at isinuot iyon sa leeg ng kanyang anak, pagkatapos ay mahigpit nitong hinawakan ang pulang rosas na nasa gitna.
“Makinig ka sa akin, Madison, kahit ano ang mangyari ngayong gabi, huwag na huwag mong aalisin ang kwintas na ito, at higit sa lahat, huwag mong ibibigay kahit kanino.”
“Mom, you're scaring me, ano ba talaga ang meron sa kwintas na ito?”
Tinitigan siya ni Elisia na para bang gusto nitong sabihin ang lahat, ngunit pinili nitong manahimik.
“Darating ang araw na malalaman mo rin.”
“Anong araw?”
Hindi na nakasagot si Elisia dahil biglang bumagsak ang pintuan.
Tatlong lalaking nakasuot ng itim na armor ang pumasok sa kanilang bahay, bawat isa ay may hawak na espada at may kakaibang pulang simbolo sa kanilang balikat. Hindi pa nakikita ni Madison ang mga taong iyon, pero sa paraan ng pagtitig nila sa kanyang ina ay malinaw na hindi iyon ang unang pagkakataong hinanap nila si Elisia.
“Finally,” sabi ng isang lalaki habang nakatingin kay Elisia, “we found you.”
Agad humarang si Elisia sa harap ni Madison, “Lumayo kayo sa anak ko.”
“Hindi namin siya sasaktan kung ibibigay mo ang gusto namin.”
“Hindi.”
“Then you leave us no choice.”
Biglang sumugod ang lalaki, ngunit mabilis na umiwas si Elisia at sinipa ito sa dibdib, napaatras ang lalaki habang ang dalawang kasama nito ay sabay na umatake. Napaatras si Madison at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita, dahil ang kanyang ina na akala niya ay isang ordinaryong babae lamang ay parang sanay na sanay sa pakikipaglaban, mabilis ang kilos nito at bawat galaw ay eksakto, na para bang matagal na niyang ginagawa iyon.
“Mom!” sigaw ni Madison nang muntik nang tamaan si Elisia ng espada.
“Stay back!”
Sinubukan ni Madison na sundin siya, ngunit nang makita niyang dumugo muli ang kanyang ina ay hindi niya napigilang lumapit. “Mom, let's go!”
“Hindi pa tayo puwedeng umalis.”
“Bakit?”
“Dahil hindi lang sila ang naghihintay sa labas.”
Napalingon si Madison sa mga bintana at doon niya nakita ang mga anino ng maraming tao sa labas, may mga espada at armas silang hawak at unti-unti nilang pinalilibutan ang bahay.
Nanlamig ang kanyang katawan.
“Mom, ilan sila?”
“Enough to destroy this place.”
“Then what are we going to do?”
Tumingin si Elisia sa kanya at sa pagkakataong iyon ay nakita ni Madison ang isang bagay na hindi niya kayang ipaliwanag sa mukha ng kanyang ina, hindi iyon simpleng takot, parang may matagal nang hinihintay na araw na sa wakas ay dumating.
“Madison, tumakbo ka.”
“Hindi.”
“Please.”
“Hindi kita iiwan.”
Napapikit sandali si Elisia bago muling tumingin sa kanya, “Kung mananatili ka rito, mamamatay ka.”
“Mas gugustuhin kong manatili kaysa iwan ka.”
Biglang may espada na tumama sa balikat ni Elisia, napaatras siya at bumagsak ang hawak niyang sandata, agad na napasigaw si Madison at tumakbo papunta sa kanya.
“Mom!”
“Tumakbo ka!”
“Hindi!”
Hinawakan ni Elisia ang mukha niya at pinilit siyang tumingin sa kanyang mga mata, “Madison, listen to me, may mga bagay tungkol sa pamilya natin na hindi ko sinabi sa iyo, pero hindi ko iyon itinago dahil ayaw kitang pagkatiwalaan, itinago ko iyon dahil gusto kitang mabuhay.”
“Then tell me now.”
“Wala nang oras.”
“Mom!”
“Kapag dumating ang araw na magising ang Rosenyx, huwag kang matakot.”
Napatigil si Madison, “Rosenyx?”
Tumango si Elisia habang hawak ang kwintas sa leeg niya, “Iyon ang tunay na pangalan ng kapangyarihang nasa dugo natin.”
“Anong ibig mong sabihin?”
Bago pa makasagot si Elisia ay biglang sumugod ang isang lalaki, agad siyang humarang at muling nakipaglaban, ngunit sa pagkakataong iyon ay mas marami na ang kalaban at unti-unti siyang napapaligiran.
“Go!” sigaw niya.
Napailing si Madison habang umiiyak, “Hindi!”
“Madison, tumakbo ka!”
“Mom!”
“Tumakbo ka!”
Wala na siyang nagawa kundi sumunod, mabilis siyang tumakbo patungo sa likod ng bahay habang naririnig ang ingay ng labanan sa kanyang likuran, ngunit ilang hakbang pa lamang ang kanyang nagagawa nang makarinig siya ng isang malakas na pagsabog.
Napalingon siya.
Nasusunog na ang kanilang bahay.
“Mom…”
Gusto niyang bumalik, pero bago pa siya makalapit ay may isang lalaking nakasuot ng itim na armor ang biglang humarang sa kanyang harapan.
“Give me the necklace.”
Napaatras si Madison habang mahigpit na hinawakan ang kwintas, “No.”
“Hindi mo alam kung ano ang hawak mo.”
“Wala akong pakialam.”
Ngumisi ang lalaki at itinaas ang espada, “Then die with it.”
Sumugod ito.
Napapikit si Madison at napahawak sa kwintas, ngunit bago tumama ang espada ay isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa paligid.
KLANG!
Nang imulat niya ang kanyang mga mata, isang lalaking nakasuot ng dark armor ang nakatayo sa harap niya, hawak nito ang sariling espada habang nakaharang sa atake ng kalaban.
Hindi nagsalita ang estranghero, mabilis niyang itinulak palayo ang kalaban at sunod-sunod na umatake, bawat galaw ay mabilis at malinis hanggang sa tuluyang bumagsak ang lalaki sa lupa.
Huminga nang malalim si Madison habang nakatingin sa estranghero, “Who are you?”
Dahan-dahan itong humarap sa kanya at doon niya nakita ang malamig nitong mga mata, hindi ito mukhang katulad ng mga sundalong umatake sa kanilang bahay, ngunit may kakaibang bigat ang presensya nito na nagparamdam kay Madison na hindi rin siya dapat basta magtiwala.
“Lucas Dela Vega.”
Hindi pa man siya nakapagtanong muli ay napatingin si Lucas sa kanyang leeg, at sa unang pagkakataon ay nagbago ang ekspresyon nito.
“Where did you get that?”
Hinawakan ni Madison ang kwintas, “My mother gave it to me.”
Tahimik na tumingin si Lucas sa nasusunog na bahay.
“Your mother is Elisia Vane?”
Tumango si Madison.
Saglit na pumikit si Lucas bago muling tumingin sa kanya, “Then we have a bigger problem.”
“Ano?”
Hindi agad sumagot si Lucas dahil biglang uminit ang kwintas sa leeg ni Madison, napahawak siya rito at napaatras nang makitang nagsisimulang kumislap ang pulang rosas.
“Lucas, what's happening?”
Biglang naging seryoso ang mukha nito, “Get away from it.”
“Hindi ko kaya!”
“Madison, let go of the necklace!”
Pero hindi na niya magawa.
Mas lalong lumiwanag ang pulang bato sa gitna ng rosas, kumalat ang pulang liwanag sa kanyang kamay at nagsimulang umikot ang hangin sa paligid niya, habang ang mga sundalong nakapaligid sa kanila ay isa-isang napaatras.
“What's happening to me?” sigaw ni Madison.
Hindi sumagot si Lucas.
Dahil sa harap nilang lahat, nagsimulang gumalaw ang pulang rosas.
Unti-unti itong bumuka na parang totoong bulaklak, pagkatapos ay nagkaroon ng mahabang hawakan sa kanyang palad, kasunod nito ay isang pulang talim na unti-unting nabuo mula sa liwanag.
Napatigil ang lahat.
Isang espada ang nasa kamay ni Madison.
Ang hawakan nito ay isang malaking pulang rosas at ang talim ay parang nabuo mula sa dugo at apoy.
Hindi makapagsalita si Madison habang nakatingin sa espada.
Ngunit si Lucas ay tila mas natakot sa kanyang nakita kaysa sa mga sundalong nasa paligid nila.
“Rosenyx…”
Biglang may boses na bumulong sa loob ng isip ni Madison.
Hindi niya alam kung saan ito nanggaling, ngunit malinaw niyang narinig ang isang salitang matagal nang naghihintay na marinig niya.
Madison.
Napahawak siya sa espada.
Gising na ako.
Biglang sumiklab ang pulang liwanag sa paligid niya, at sa malayo ay nagsimulang magsigawan ang mga sundalo habang papalapit ang isang napakalaking hukbo.
Tumingin si Lucas sa kanya at hinigpitan ang hawak sa kanyang espada.
“Madison, whatever happens next, don't drop that sword.”
“Ano ang mangyayari?”
Hindi na nakasagot si Lucas.
Dahil sa likuran ng buong hukbo ay may isang lalaki na dahan-dahang lumabas mula sa dilim, nakasuot ng itim na baluti at may pulang simbolo sa dibdib, ngunit ang mas nakakatakot ay ang kanyang mga mata na diretso lamang na nakatingin kay Madison.
Ngumiti siya.
“Finally…”
Itinaas niya ang kanyang espada.
“The last Rose has awakened.”
At sabay-sabay na sumugod ang buong hukbo.
Magpapatuloy...