Chapter 7

1826 Words
LIAM MYLES POV ****Lunch break**** Kasalukuyan kaming kumakain dito sa cafeteria at nandito na rin kaming lahat, dumating nga yung tatlo sa 2nd subject habang hila-hila ni Roseanne si Jace dahil kitang-kitang may hangover pa ito. "Babe, ito oh" pag-asikaso ni Anne at inaabot kay Jace yung tubig na may yelo at agad namang tinanggap nung isa. "Feeling better?"tanong nya tumango lang sya at ngumiti habang hinahagod ni Anne ang likod nito. "If I know you'll end up like this I shouldn't have invited you last night" may pagsisising saad ni Jane. "Cousin, Ok lang ako kasalanan ko naman kasi napadami ako ng inom at isa pa hang over lang to hindi naman ako naaksidente o kung ano." Natatawang saad ni Jace Mababa kasi talaga alcohol tolerance nitong si Jace kasing baba ng height nya, hahaha. May kaliitan kasi yung height nya pero pag may inuman sya pa yung nakakarami samin. Pinagpatuloy na namin ang pagkain habang nag-aasaran. Pagkatapos muling ihatid ang kapatid ko ay pabalik na kami sa Classroom namin ng magsalita si Bryson. "Teka.. ba't parang ako lang ata walang kapartner dito, nagmumukha tuloy akong chaperone" reklamo nya. Naka alalay kasi si Anne kay Jace habang nakakapit naman sakin si Jane. Nagmumukha tuloy kaming magjowa. Natawa nalang kami sa kanya.. "Maghanap ka na kasi ng Girlfriend mo Bryson, daming naghahabol sayo tapos ni isa wala kang nagustuhan" sabi ni Jace "Oo nga." Dugtong ko dito. "Single ka din naman Liam ah, wala ka ding jowa, pero alam mo bagay kayo ni Ruby Jane" sagot nya sa akin at agad namang sinigundahan ng magkasintahan. Agad namang namula tong kasama ko "Ano ba kayo magkaibigan lang kami nitong si Jane" agad kong sagot. "dba?" Tanong ko sa kanya at tahimik lang itong tumango. "Liam wag mong sabihin na hindi ka pa nakaka-.." Heto na naman tayo. Talking about ex! Alam ko kung saan patungo ang tanong na yun kaya agad ko nang pinutol. "Guysss, bilisan na natin malapit na mag time" saad ko at binilisan ang paglalakad. "Liam" pagtawag ni Jace sa akin. "Jace, wag na natin syang pag - usapan" pakiusap ko sakanya, tumango nalang sya at tinapik ako sa balikat at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Kasalukuyang nagtuturo ang Prof namin at heto ako inaantok na naman pero hindi ako pwedeng matulog nalang ng matulog sa klase kaya pinipilit ko paring makinig kahit walang pumapasok sa utak ko ni isa. Maya-maya lang ay biglang nagtaas ng kamay si Jane akala ko isumsumbong nya ako pero mag papaalam lang palang lumabas at dahil medyo kinabahan ako dun ay tuluyan na akong nagising. Kalahating minuto na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Jane kaya nag-alala na ako. Magpapaalam na rin sana ako para lumabas ng makita kong pabalik na pala sya kaya agad ko syang tinanong. "Natagalan ka ata, sumakit ba tyan mo?" "No.. I talked to someone and discussed some matters" nakangiti nyang sagot, tatanungin ko sana sya kung sino pero nagulat ako ng tinawag ng prof yung pangalan ko kaya agad akong napatayo. "Sir," agad kong sagot, kinakabahan kasi ako na baka nahuli nya kaming nag - uusap at palabasin ako pero mas kinabahan ako sa sunod nyang sinabi. "Ma'am Jessie is asking for your presence, please go to her office now" tumingin din lahat ng students sa akin ng may pagtataka pati si Jace napatingin sa akin ng may pagtataka. Jessie Jimenez is Jace's mother at ang School Dean kaya nakakapagtaka kung bakit nya ako pinatawag. "Thank you sir" sagot ko nalang at lumabas na. Kumakabog ng sobra ang puso ko habang papunta sa Dean's office.. iniisip kung may nagawa ba akong mali, kung may patakaran ba akong di sinunod eh kasisimula palang ng klase at inaalala ko rin yung scholarship ko at ng kapatid ko, paano kung tinanggal nila kaya ako pinatawag. Wag naman sana. Nandito na ako sa harap ng Dean's office, kumatok ako sa pinto at may narinig akong mahinang nagsalita nagpapahiwatig na pumasok na daw ako. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok. ******* RUBY JANE POV When he said those words that we're just friends it hurts really bad. I know that he's still oblivious of my feelings towards him that's why I can't blame him. But I don't want us to be only friends, I want more, I want him to be mine. While I'm lost on my thoughts I noticed that he's being sleepy again. His work is really draining his energy and causing him not to have enough sleep. An idea came up to my pretty brain of mine and I quickly raise my hand to ask permission for me to go out. I immediately head to the Dean's office and knock. I heard a faint 'come in' telling me to enter.. When Tita Jess saw me she stood up and hug me again. "Iha.. why are you here, don't you have classes" she asked me.. "Tita, I do have classes but I came here to ask you a favor" I said and she signaled me to continue. "It's about Liam Pascua" I said. "Ohh.. Liam, one of the schools scholar and Jace's friend I met him once and he's really a nice guy. What about him?" I smile hearing what he said because Tita Jess doesn't easily approve of people being friends with her son. "I want to ask if you can give Liam a work here in the school with a higher pay because he's been working late at night and as a friend, I'm concern it may affect his studies" I explained. "Is that so. Don't worry iha the school just made a program for the scholars here. It's a type of work where in they will assist the teachers if they need help, they will tutor the students who are failing, they will also help the student council if they need assistance and they will also help in decorating the stage in every school events and there are still many offers they can take " she explained "We were about to discuss this with all the scholars next week but I think I need to discuss it earlier than expected with Liam" she added and with that said I hug her gratefully "Thank you very much Tita" I thanked her and she hug me back. "You're welcome iha, you're such a good friend. I also want to help him because I know his sister's condition and I can see that he's really struggling." She said with sympathy. "Yes Tita, he really is struggling as a working student, her sister is also a very good kid. Even though if I just met them, I really want to offer some help" "You're really a grown up woman now" "Thank you Tita.. I better get going" I said bidding my goodbye and returning to my class. ******** LIAM MYLES POV Kasalukuyan akong nakikinig sa paliwanag ni Ma'am Jessie na inaalok nyang trabaho, programa pala ng University para sa aming mga scholar agad ko naman itong tinanggap dahil malaking tulong ito sa aming magkapatid dahil di ko na kailangang magpakapuyat sa pag babar tending gabi - gabi. Akala ko talaga may masamang mangyayari pagpasok ko sa Dean's office pero kabaliktaran pala. Agad naman akong nagpasalamat sa kanya at nagpaalam na. Pagkalabas ko ay marami nang estudyante ang nasa labas at ang iba ay pauwi na. Tapos na pala ang klase ng di ko namamalayan. Pagtingin ko sa cellphone ko ay nagtext si Jace na susunduin na daw nila si Sienna at hintayin nalang daw ako sa parking lot. Tinutupad talaga nila yung sinabi niya na palagi silang nandyan para umalalay sa aming magkapatid at laking pasasalamat ko talaga sa mga kaibigan ko dahil kahit na iba ang estado namin sa buhay ay palagi parin silang nandyan. Pagkarating na pagkarating ko sa parking lot ay agad kong nakita si Jane na nakangiti sa akin. Teka bakit parang may iba sa ngiti nya? Wag nyong sabihin na... "Uyyy.. Liam andyan ka na pala." pagtawag ni Jace sa akin. "Anong nangyari ba't ka daw pinatawag?" tanong pa nya at agad ko naman sinabi sa kanila ang sinabi sa akin ng nanay nya. "Talaga kuya.. ibig sabihin nun hindi mo na kailangang mag doble trabaho?" agad na tanong sa akin ng kapatid ko. Tumango lang ako bilang sagot, malaki - laki rin kasi yung isesweldo sa akin. "Pano ba yan Liam, mababawasan na ang costumer namin sa Bar kasi wala ka na dun eh ikaw pa naman dinadayo ng mga girls dun" singit ni Bry. "Wag ka nga Bry.. ikaw nga tong palagi nilang hinahanap eh" sabi ko sabay tawa "Pero seryoso Liam. mamiss ko makatrabaho ka lalo na yung apat" sabi naman ni Anne at bigla kung naalala sila Nick. "Ehh.. pwede pa rin bang umekstra tuwing weekends" tanong ko sa dalawa dagdag kita parin kasi yon. "Oo naman" sagot ni Anne "Group Hugggggg" biglang sigaw ni Jace at nagsumiksik sya pati narin ang kapatid ko, habang si Jane ay nakangiting nanonood lang sa amin, kaya hinila ko sya para makisali. Walang nagsasalita sa aming tatlo habang pauwi, si Jane ang naghatid sa aming magkapatid kasi may Date daw yung dalawa at dediretso naman si Bry sa Bar kaya nag presenta si Jane na sya ang maghahatid sa amin. Gusto ko syang kausapin tungkol dun sa trabaho na inialok sa akin ni Miss Jessie dahil sa tingin ko may kinalaman sya dun. Nung umalis sya kanina eh medyo natagalan sya at ang sabi nya eh may kinausap sya, sa tingin ko si ma'am Jessie yung pinutahan nya. Pagdating namin sa bahay ay agad kaming bumaba at pinauna ko na muna ang kapatid ko sa loob. "Jane gusto mo munang pumasok?" alok ko sa kanya. "No.. It's okay, I have to go because my Dad will go home early. He said he want us to have dinner so I have to prepare" pagtanggi nito. "Ganoon ba" pagkamot ko sa batok ko. "So I'll better get going?" paalam nya pero agad ko syang pinigilan. "Wait lang may gusto sana akong tanungin" paghawak ko sa braso nya. "Alam kong may kinalaman ka dun sa nangyari kanina, si Ma'am Jessie ba yung kinausap mo" She just smiled at me and said "You deserve it Liam. Besides it's a program offered by the school. I didn't really do something" So totoo nga yung hinala ko. Agad ko naman syang niyakap "Maraming Salamat pa rin" pagpapasalamat ko. Nagulat pa sya nung una sa pagyakap ko sa kanya pero niyakap din naman nya ako pabalik. "You're always welcome" Bumitaw na ako sa yakap at pansin ko ang pamumula nito, ang cute nya talaga. "Sige baka hinihintay ka na ng Daddy mo" sabi ko dito "Salamat ulit" dagdag ko pa. Sumakay na sya sa kanyang sasakyan at kumaway muna sya bago ito pinaharurot. Pumasok na rin ako sa loob para maghanda ng hapunan. Wala na talaga akong mahihiling pa sa mga kaibigan ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD