LIAM MYLES POV
Mabilis lumipas ag mga araw at ngayon ay katatapos lang ang exam namin para sa 1st semester. Ganoon pa rin naman ang araw araw na pamumuhay namin.
Hatid sundo nila kaming magkapatid at palagi rin silang nakabantay sa kapatid ko lalo na kapag busy ako sa school.
Sa nagdaan ring araw ay mas naging close kami ni Jane at mas naging clingy rin ito sa akin sa tuwing magkasama kaming dalawa ay pinagkakamalan pa kaming magkasintahan pero tinatawanan ko na lang sila sabay iling.
Kasalukuyan kaming nandito sa Bar ni Bry para magsaya muna at magrelax at sakto dahil sabado bukas eh pwede kaming gabihin.
Hindi na namin sinama si Sienna dahil makakasama lang to sa kanya kaya nagpaalam syang makiki sleep over daw ito sa kaibigan nyang si Aria.
Pinakilala nya ito sa amin nung minsan, medyo may pagka nerd sya pero mabait naman at mapagkakatiwalaan kaya pinayagan ko na.
Kasama pala namin yung apat sila Joel, Nick, CJ at Samuel, yung mga katrabaho ko sa coffee shop.
Andoon na sila sa dance floor kasayaw ang mga chix nila. Sila Bry at Anne ay inilagay si Jace sa isa sa mga VIP rooms, medyo may pagka wild kasi sya kung malasing kaya ayun kinulong na namin.
Habang ako ay kasama si Jane dito sa counter at nanonood lang sa iba, medyo may tama na rin kasi ako kaya umupo na muna ako baka kasi may magawa akong di ko namamalayan. Lalo na't ang daming mga babaeng nag-aaya sa akin kanina buti nalang andito si Jane at sya yung nagpapaalis. Pero bigla nalang syang tumayo at hinila ako papunta sa Dance Floor.
"Jane teka lang" pagpigil ko dito medyo tipsy narin kasi sya, baka mamaya mawala sa paningin ko eh hilain ng kung sinong lalaki dyan.
"Let's enjoy the night Liam!" sigaw nya dahil sa malakas na tugtugin, wala na akong nagawa kundi magpahila kaysa naman sa pumunta itong mag isa
Pagkapasok sa dance floor ay mas naging sensual yung kantang pinatugtog at itong kasama ko ay sinimulan nang sumayaw sa harap ko. Dahil sa may tama na rin ako at sa siksikan ay hindi ko namalayan na ang mga kamay ko ay napahawak na sa bewang nya.
Idinikit pa nya lalo ang katawan sa akin at sinimulan nyang gumiling sa harapan ko at hindi ko mapigilang mag-init.
Bigla syang tumingin sa akin at ngumiti ng mapang-akit habang kagat-kagat ang kanyang ibabang labi.
Sh*t anong ginagawa nya?
Patuloy ito sa paghaplos sa aking braso at dahil sa dami ng tao sa paligid ay hindi maiiwasan ang pagkiskis ng katawan namin sa isa't-isa.
Walang ano-ano ay hinawakan nya ang leeg ko at hinila pababa at nagtama ang aming mga labi. Sinimulan nyang igalaw ang kanyang labi at ingbes na itulak sya ay wala sa sarili kong tinugon ang halik nito.
Ipinasok nya ang kanyang dila sa aking bibig at hindi naman ako nagpatalo. Bigla ko itong sinipsip dahilan upang mapaungol ito ngunit pagkarinig ko sa kanyang ungol ay dun ko napagtanto kung anong nangyayari sa aming dalawa, kaya agad akong bumitaw sa halikan.
Humihingal itong tumitig sa akin ng may pagtataka at tila lasing pa rin sa halik na nangyari sa aming dalawa nang biglang nanlaki ang mata nito.
"I.. di.. Liam!!!.." sigaw nya nang bigla akong umalis sa harap nya.
Sh*tttt.. ano yun!?
Dahil sa pagmamadali ay may nabunggo pa ako, pagtingin ko ay si CJ pala na may hawak pang baso ng alak.
"Liam saan ka pupunta? tara sumayaw tayo" paanyaya nya pero agad akong umiling.
"Magpapahangin lang ako sa labas" pagpapaalam ko at agad umalis..
Pagkalabas ko ay may naramdaman akong humawak sa akin, pagtingin ko ay walang iba kundi si Jane.
"Liam let me explain" agad nyang sabi at hinila ko sya sa gilid para makapag-usap kami ng maayos.
"Jane ano yun? bakit mo ko hinalikan?!" agad na tanong ko dito.
"Didn't you kiss me back?" Sagot nito na nagpatahimik sa akin.
Aaminin ko, panandalian akong nawala sa katinuan pero hindi naman yun mangyayari kung hindi nya ako hinalikan. Magkaibigan kami!
"Actually I love you Liam" derederetso nyang sabi.
Ano? Mahal!?Agad agad!?
"Ano?" Tanong ko dito, baka mali lang kasi pagkakarinig ko.
"I said I love you Liam that's why I kiss you and I'm really longing to do that this past few months" sabi nya.
"Pero Jane kaibigan kita at hindi na hihigit dun ang tingin ko sa'yo!"
Kita ko ang sakit sa na sumilay sa mga mata nito pero sinasasabi ko lang ang totoo.
Ayokong mas lalo ko pa syang masaktan.
"But you kiss me back don't you, does that mean it's nothing to you because for me, it was my first and I always wish that to happen just with you" Saad nito at nagsimula ng umiyak.
"Jane that kiss is a mistake nakainom ako, pati ikaw baka dala lang yan ng sensasyon" sagot ko sa kanya at kita ko ang sakit at galit sa sinabi ko.
"A mistake!?" Sigaw nya at tumawa sya ng mapakla.
"I really love you Liam and it's not just because of alcohol" paghagulgul nya at hinawakan ang mukha ko.
"Please tell me you feel the same way" pagsumamo nito.
Pinikit ko ang aking mga mata upang di makita ang sakit sa mukha nito. Ayokong may umiiyak na babae dahil sa akin. Tinangal ko ang kamay nyang nakahawak sa akin at hinawakan sya sa balikat.
"Jane, I like you but only as a friend, yun lang ang maibibigay ko sayo... I'm sorry" pagkasabi ko nun ay agad ko na syang tinalikuran pero agad ako nitong niyakap.
"Liam just give me a chance.. please" pagmamakaawa nyang muli pero umiling ako.
Wala sa isip ko ang makipagrelasyon mas prioridad ko ang kapatid ko at isa pa pinsan sya ni Jace!
Ano nalang iisipin nya lalo na't alam nyang hindi pa ako nakamove on sa ex ko. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.
"Jane mas mabuti na sigurong wag muna tayong magkita, I'm sorry" sabi ko sa kanya at tinanggal ang kamay nyang nakayakap sa kin at iniwan sya doon na umiiyak.
Aaminin ko maganda si Jane at mabait pero baka masaktan ko lang sya dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal nya at isa pa, mahal ko pa ang dati kong karelasyon
Kahit na iniwan nya ako ng walang pasabi, umaasa pa rin ako na babalik sya balang araw. Bukod sa kapatid ko ito ang isa sa dahilan kung bakit wala pa akong nagiging girlfriend ngayon.
Agad kong tinawagan si Bryson para puntahan si Jane kung saan ko sya iniwan pero wala na daw ito at ang sasakyan nya. Ipinagdasal ko nalang na sana ligtas syang makauwi.
Tinanong din nya kung anong nangyari pero sinabi ko nalang na saka nalang ako magpapaliwanag bukas. Sinimulan ko na muling maglakad pauwi para makapagisip - isip na rin.
*******
THIRD PERSON'S POV
Pinaandar ni Jane ang kanyang sasakyan at tinungo ang kanyang destinasyon. Pagkadating nya doon ay agad nyang hinanap ang pakay nito.
"Dad, where are you?!" sigaw nya at umiiyak pa rin dahil sa nangyari kanina. Hinanap nya ito kung saan-saan ngunit wala ito sa kanyang kwarto kaya tinongo nya ang opisina nito. At doon nakita nya ang kanyang ama na busy sa ginagawa ngunit agad itong napatayo at lumapit sa anak ng makita itong umiiyak.
"Princess.. why are you crying, what happened? Tell me!" Nagaalalang tanong ng kanyang ama habang pina upo ito sa upuan na nasa gilid..
"Dad help me please! He will surely avoid me after what happened." Saad nya sa ama, agad naman itong nagtaka dahil hindi nya alam kung sino ang tinutukoy nito.
"Ruby Jane calm down, Okay tell me the whole story first."
Agad namang ipinaliwanag ng kanyang anak ang nangyari. Walang imik ang kanyang ama at walang emosyon itong nakatingin sa kanyang anak.
"Please Dad help me, I can't lose him. Dad please!" pagmamakaawa nya sa ama at napaluhod na lamang ito habang hawak-hawak ang kanyang kamay. Patuloy lang sya sa pag-iyak at dahil sa nakikita ay naawa ang kanyang ama.
Ito ang pangalawang beses nya na nakitang ganito ang kanyang anak. Una ay noong mamatay ang kanyang ina sa cancer at eto na naman sya ngayon wala pa ring tigil sa pag-iyak.
"My child stand up.. Jimenez don't kneel down to anyone even to their families. Do what you have to do, I got your back" saad ng kanyang ama habang pinapatayo ang dalaga at agad naman sya nitong niyakap.
"Dad... I only want him. Just him!" Paghagulgul pa rin nito.
"Shhh. I understand... You will have him soon" saad ng ama nito habang pinapatahan ang anak.