LIAM MYLES POV Inimbitahan ko pala yung tatlo dito sa bahay malapit na kasi yung Birthday ni Jane at sa susunod na Linggo na ito. May plano rin sana akong gawin pero kailangan ko yung tulong nila. Magpaparty kasi si Dad para sa Birthday ni Jane at doon ko rin isasagawa yung surpresa ko sa kanya. Sabado ngayon at kasalakuyang natutulog si Jane sa kwarto at nandito na rin yung tatlo. Inutusan ko na rin si Sienna na tignan kong gising na si Jane para ipaalam sa amin baka kasi marinig nya yung usapan namin. "So Liam ba't mo kami tinawagan mukhang seryoso to ah.." tanong ni Bry pagkaupo namin sa sala. "Ano kasi, gusto ko sanang hingin yung tulong nyo para sa kaarawan ni Jane" sagot ko habang kinakamot yung batok ko.. "Oo nga pala malapit na birthday ni RJ, siguradong maghahanda si Tito

