LIAM MYLES POV Pagkababa ni Jane ay agad ko itong sinalubong at inalalayan. Hinapit ko ito sa bewang ng mapansin kong pinagtitinginan sya ng mga kalalakihan dito. Lumipat na kami sa nakatalagang mesa namin, nandoon narin yung iba. Nagsimula na nga ang party at nagkakasiyahan na ang iba. Maraming pumupunta sa table namin at binabati ang asawa ko. Meron din yung pasimpleng dumada moves. Kami nila Bry at Jace ay kanya-kanyang bakod agad lalo na sa akin dahil pati ang kapatid ko ay lapitin, hayssss. Nagkwekwentuhan lang kami ng tapikin ako ni Anne at sinenyasan ako. Pagtingin ko sa oras ay kailangan na pala naming maghanda. Shemsss.. kinabahan tuloy ulit ako. Naunang nag excuse sila Jace at Anne habang si Bry ay kinakausap si Jiana. "Love.." pagtawag ko kay Jane. "Hmm.." sagot nya da

