Hindi ko na naabutan si Luhence kinaumagahan ngunit nakasuot sa akin ang white long sleeve niya. Napaisip tuloy ako kung ano'ng suot niya. Hindi siguro siya topless lumabas ng kwarto ko, right? Yari talaga ako kapag may nakakita sa kanya. Dumapa ako sa kama at niyakap ang pinag-unanan niya kagabi. I can still smell his perfume on my pillow. Wala akong pinagsisihan kagabi. I am so happy actually that I gave to him myself. Mas gugustuhin ko na sa taong mahal ko ibigay ang puri ko kesa sa taong hindi ko naman kilala. He doesn't deserve it. Naisip ko na huwag nang ituloy ang kasal. Kapag nakahanap ako ng tyempo ay sasabihin ko iyon kay Titus. Napamulat ako nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Damn! Hindi pa ako nakakapag-ayos! Hindi nila ako pwedeng makita na suot ang dami

