"Let's not stay here," bulong niya. Hinawakan niya ang kamay ko matapos punasan ang mga luha sa mga mata ko. "Where's your room?" tanong niya. Tiningnan ko muna ang paligid upang alamin kung nasaan kami. Hindi ko na kasi napansin kanina. Iginaya ko siya sa daan patungo sa kwarto pagkatapos. He locked the door after we entered my room. Tahimik akong naupo sa kama ko at yumuko. Maya-maya ay naramdaman ko paglapit niya at pag-upo sa tabi ko. "Hindi mo alam na may iba ka pang kapatid bukod sa kuya mo?" rinig kong tanong niya. Umiling ako. "I-ikaw? Alam mo ba?" tanong ko. Bumilang ang ilang segundo bago siya sumagot. "Yes. . ." Muling nagluha ang mga mata ko "Everyone knows." Tuluyang bumagsak ang mga pinigilan kong luha. That explains why the visitors weren't even shocked when they h

