Who are you? That's my reply to that text. May hinala ako kung sino ngunit kailangan ko pa ring makumpirma. Hindi siya sumagot kaya nagtipa akong muli. Ako: Catalina? Napabuga ako ng hangin nang hindi na siya nag-reply. Tinungo ko ang kwarto at naupo sa kama. Sinigurado kong naka-lock iyon bago ko pinindot ang dial button. Nakailang ring muna bago niya sinagot ang tawag. The person in the other line remained silent. "Who are you? Bakit hindi ka magpakilala sa 'kin?" mariin kong tanong. It's still silent. "No. Hindi mo na pala kailangang magpakilala dahil may ideya na ako kung sino ka. Ang gusto kong malaman ay bakit mo 'to ginagawa? Are you connected to my family?" "I. . . I'll explain. I promise, I will. Give me time, anak. Nangangako ako. Babalik ako. I will get everything that

