Matamlay akong pumasok sa loob ng mansyon. Hindi ko magawang batiin pabalik ang mga tao rito. Gusto ko na lang pumunta sa kwarto ko at magpahinga. Nakita ko si Luna nag-aantay sa 'kin pagdating ko sa living room. Lumaki ang mga ngiti niya sa labi nang makita ako. "Anastasia— Ano'ng problema? Bakit matamlay ka?" nag-aalala niyang tanong. Napansin niya sigurong hindi na ako tulad ng dati. "Bakit namamaga at nanlalalim ang mga mata mo? Umiyak ka ba? Hindi ka ba nakakatulog nitong mga nakaraang araw? Gusto mo bang maligo para makatulog ng maayos?" sunod-sunod na suhestiyon ni Luna. Tipid akong ngumiti. "No need, Luna. Kaya ko nang gawin 'yon." Sa pananatili ko sa Cavite. Natutunan ko na lahat ng dapat matutunan. Kapag kaya ko, ginagawa ko na. Nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya. "Sig

