He looked at me like I lost my mind before situating himself in the seat in front of me. Nanubig ang mga bagang ko nang makita ang fried chicken, french fries, burger, ice cream na naka-float sa coke at cola. Dinampot ko kaagad ang manok saka isinawsaw sa gravy at kinagatan. I moaned when the chicken reached my taste buds. Naweweirduhan niya akong tiningnan. "Don't moan and slow down. Para kang hindi kumain ng isang dekada," saway niya. Inirapan ko siya. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago nagsalita. "I can't help it. Hindi ko alam na may sasarap pa pala sa luto ni Luna. I wanna eat everyday here!" He tsked. "No. You won't eat fast food everyday. It's bad for your health. You can eat foods like these but not every day." "Okay." Ngumiti ako. Kakagat na sana siya sa manok niya nang ma

