CHAPTER SEVEN

1359 Words
I felt uneasy the whole ride. Paano ba naman kasi hindi niya ako pinapansin dahil sa pag-iwan ko sa kanya kanina. Gusto ko siyang utuin para hindi na magalit kaso hindi nakikisabay ang puso ko. Grabe rin ang papansin dahil lang sa isang simpleng compliment mula sa lalaking 'to! Hayop na good girl 'yan. Why would he even call me that with a deep and sexy voice. Nilingon ko siya sa driver's seat. Tahimik pa rin at seryosong-seryoso. Malamang na galit dahil sa ginawa ko kanina kaya feeling famous. Hindi ko tuloy alam paano siya ia-approach. Para siyang bomba na mamali ka lang biglang sasabog. Naisip ko siyang asarin kaso baka masakal ako nang wala sa oras. Kidding! He don't look like someone who would hurt a lady though. Ibinaling ko lang ang tingin sa labas saka ngumuso. Bakit ba sobra siyang nainis sa akin? Tinupad ko naman ang pangakong babalik din kaagad. Wala rin namang nangyaring masama sa akin. Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan kasama ko siya. "Kain tayo," biglang sambit ko. May nakikita kasi akong fast food chain hindi kalayuan. Kakakain ko lang pero nagugutom na naman ako. Parang gusto kong kumain ng fried chicken. Nagsalubong ang kilay niya. "Kakakain mo lang sa bahay kanina," masungit niyang saad. "Sige na! Nagutom uli ako, eh." "So?" Napabusangot ako sa kasungitan niya. Hindi ko napigilan ang inis ko kaya nahampas ko siya sa braso. "Why are you like that? Gusto ko lang naman ma-try kumain sa fast food chain! Kasama 'yon sa listahan na gusto kong gawin habang nandito!" saad ko. Bahagyang kumunot ang noo niya. "You haven't try eating in fast food chains?" tanong niya. Umiling ako sa tanong niya. Paanong masusubukan ang mga bagay katulad nito kung lagi lang akong nasa mansyon? Venues at mansyon lang naman ang parati kong napupuntahan. Noon, nakakagala ako sa Paradise pero nang pumasok si Titus. Hindi na ako pinayagan. Sumulyap siya sa akin. "Are you serious?" Tumango ako. "Wala naman akong ibang pinupuntahan kundi venues kapag may party tapos sa mansyon kapag naman wala. I'd never been to school because I was homeschooled. Dati nakakadalaw pa ako sa Paradise, ang isla ko, but when Titus become busy with school. Hindi na ako nakabalik." Napatigil ako nang maalala ang ginawa kong pagtakas noon. "Oh! I did pala pero hindi ko sinabi kaya nagalit sila. I was also shot that day but it was worth. Hindi sana ako mapupunta rito kung hindi ko ginawa 'yon." "It was still wrong. You could've die," mariin niyang sambit. "I knew that but I can't help to be rebellious! Alam kong para sa akin ang lahat ng 'to but it's becoming too much. I'm growing old. Hindi pwedeng nasa mansyon na lang ako habang buhay! I wanna experience life," pagtatanggol ko sa sarili. Napailing siya ngunit hindi nagsalita. "Kaya sige na! I want to eat!" pagmamakaawa ko. Inalog-alog ko pa ang braso niya. Malalagpasan niya na kasi kapag nag-greenlight na. Pinigilan ko ang sarili nang tabigin niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Kung makaarte akala mo may nakakahawa akong sakit. Napabuga siya nang hangin. "Fine." Nagdiwang ang tiyan ko nang iliko niya ang kotse at i-park sa harap ng fast food chain na may nakangiting malaking bubuyog. Jollibee! Mabilis kong tinanggal ang seatbelt. Akmang lalabas na ako ng kotse nang hawakan niya ang braso ko. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. "What?" nagmamadali kong tanong. Hindi niya ako sinagot. Napatanga na lang ako sa kanya nang isuot niya sa akin ang isang black cap. Nagtatanong ko siyang tinitigan. Ngunit mali atang titigan siya. Bigla kasing tumambol ang dibdib ko nang salubungin ng mga mata niya ang akin. Napakurap ako nang ayusin niya ang buhok ko na nakatabing sa mukha. Ngayon ko lang napansin na sobrang lapit pala namin. "Huwag mo 'kong tingnan nang ganyan," seryoso niyang saway. Nag-iwas ako nang tingin. May inilagay siya sa kamay ko kaya sunod na napunta roon ang tingin ko. It's a black face mask. "Wear that." Sinunod ko siya. "Para saan 'to? Kakain lang naman tayo sa loob. Bakit kailan pa nito?" tanong ko. Nakasuot na siya ng kapareha kong black cap ngunit wala siyang facemask. "To protect you," tipid niyang saad saka naunang bumaba. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Marami namang tao, ah. Lumabas ako nang pagbuksan niya. Hindi pa ako nakakahakbang nang matigilan. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ang pagsakop ng mainit niyang palad sa kamay ko. Muling bumalik ang malakas na tambol sa dibdib ko. May sakit na ba ako sa puso? It's beating abnormally. I also feel something in my stomach. Ito na ba 'yung tinawatawag na palpitate? Pero kanina lang naman ako nagkape? "Tara na." Hinila niya ako papasok. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko sa pagpila. Hindi ako mapakali sa nararamdaman kaya hinigit ko ang kamay mula sa kanya. Pagtingin ko ay nakatingin din pala siya sa akin. Napalunok ako. "K-kailangan ba talaga magka-holding hands tayong dalawa? Mamaya mapagkamalan tayong magkasintahan dito," saad ko. "Sinisigurado ko lang na hindi ka aalis tulad nang ginawa mo kanina. Ayokong may masabi ang kapatid mo sa 'kin." Napairap ako. "I'm not a kid, Luhence. Ang liit lang nito, oh? Mahahanap mo kaagad ako." Inismiran niya lang ako. "Uupo muna ako roon," paalam ko. "I thought you wanted to experience new things?" Napatingin ako bigla sa kanya. "Oo. Bakit?" tanong ko. "Kasama ito sa experience kaya pumila ka," masungit niyang sagot. Sumimangot ako. Gusto ko siyang barahin kaso ayokong dito kami mag-away, hindi dahil wala akong maisip pambara. Oo, gano'n iyon. Iniisip ko lang ang image ko. Lalong kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang masarap na pritong amoy. Napalunok ako. Inilibot ko ang paningin sa paligid para libangin ang sarili. "Lakas naman ng alindog mo," bulong ko sa kanya. May ilang babae kasing napapatingin sa kanya. "Look! The girls are staring at you." Nagbaba siya ng tingin sa akin. "Maliit na bagay." Tumaas kaagad ang isa kong kilay. Hindi rin siya humble, huh. Tumingin siya sa paligid. "Go there. Baka maubusan tayo ng upuan." Tinuro niya ang bakanteng pwesto sa may gilid. Tumango ako saka tinungo ang bakanteng upuan. Inilapag ko ang bag sa lamesa saka upo. I glanced at him. Dalawang tao na lang at siya na. Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang kabuua niya. He's handsome, it's so obvious. Kaya may ilang babaeng napapatingin sa kanya kahit naka-black cap siya. Sa tangkad at likod lang kasi maglalaway ka na. Nabigla ako nang lumingon siya sa akin. No choice tuloy ako kundi ngitian siya at kawayan. He didn't even smile at me when he averted his gaze. Napakasungit talaga. Nangalumbaba ako. I wonder kung saan siya napulot ng magaling kong kapatid Hindi kasi siya mukhang bodyguard sa akin pero papasa siyang military. Pwede ring model because he have a deep electric blue eyes, sensual red lips and pointed nose. He's also tall and masculine. He looked so clean, sexy and hot. Kung palagi lang siguro itong nakangiti. Baka naging crush ko na siya. Okay na rin siguro kahit masungit at least, maganda lagi view ko sa araw-araw. Pang laman mata na rin. Bahagyang nanliit ang mga mata ko. Bakit bigla atang naging pamilyar ang mukha niya sa 'kin sa matagal kong pagtitig? Sigurado naman akong ngayon ko lang siya nakita. I notice that I am shamelessly staring at him kaya nag-iwas ako ng tingin. Siguro dahil sa kakatitig ko. Ibinaling ko na lang ang tingin sa paligid. The girls can't help but stare at him. Well, like what I said. With that face of him, I can't really blame them. He looks like a walking diamond. Natawa ako bigla nang pumasok sa isip ko ang itsura niya. Iyong naka-mascott tapos nakabusangot siya. Ang cute lang. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin dala ang mga pagkain namin. Kunot-noo niya akong tiningnan. Naabutan niya kasi akong tumatawang mag-isa. "Tell me you're not going insane." Kinagatan ko kaagad ang nakita kong manok. "Nope." "Bakit ka tumatawa mag-isa?" I smile mischievously. "Just guess it dahil hindi ko naman sasabihin." Saglit niya lang akong tiningnan saka nagsimulang kumain. "Weirdo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD