CHAPTER SIX

1245 Words
“Dito ka muna. Baka dambahin tayo ng mga babae kapag nakita ka nila. Sayang naman ang outfit kapag gano'n," sambit ko. Takaw-pansin kasi ang lalaking ito. Kahit likod lang ata mapapatingin ka na. One more thing, ayoko namang magtaka ang mga tao kung bakit sunod-sunuran siya sa akin. Saan ka nakakita ng empleyadong may bodyguard na nakasunod? Nasa harap kami ngayon ng Trinidad Empire building. Bago pa ako umalis sa mansyon. Nagpasa na ako ng resume sa kanila. Tamang-tama naman na nag-text sila kanina. Biglaan kaya maaga akong nagluto ng breakfast. Today is my final interview and I am confident that I will pass. Pinaghandaan ko na ito. I'm not even scared. I am more excited. I took off my seat belt. “No! You can't leave me here. Paano kung may mangyaring masama sa 'yo sa loob? Sasama ako sa 'yo," pagpupumilit niya. “No! You stay here. Maraming magtataka kapag nakita ka nilang nakasunod sa akin. Remember? I'm just a normal citizen here at isa pa, interview lang naman 'to. Babalik din ako kaagad," pigil ko. Ngunit sadyang matigas ang ulo nitong kausap ko at ayaw magpatalo. “There's so many things that could happen inside. I doubt if they even have a high class security system!" Napairap ako sa hangin. “Ang OA mo. Walang mangyayari sa loob. Can you see the guards? Meron na sa labas meron pa sa loob. Who would dare?" “Don't be stubborn and listen to me, Anastasia. I knew better. It's better to be safe than sorry!" he spat. Urgh! “Wala kang pinagkaiba sa kapatid at daddy ko. I hate when you make me feel weak and stupid. Let me decide!" “Anastasia—" Bumaba ako at isinarado ang pinto ng kotse. I don't want to argue with him anymore. Sigurado naman akong hindi ako magtatagal sa loob at isa pa, sa dami ng tao at guards may makakapagtangka ba? Sa glassdoors pa lang may metal detector na sila. He's overreacting! Lumapit ako sa receptionist to ask. “Hello, Miss. I am Anastasia Alvannia. I am here for Ms. Belle Lopez. It's for the interview for the secretary position," nakangiti kong saad. Ngumiti siya sa akin saka may tinawagan sa telepono. Matapos makipag-usap, sinabi niya ang floor kung saan i-interview-in. Tinungo ko ang elevator at pinindot ang floor na sinasabi sa 'kin ng receptionist. I waited patiently until the door opens. Nilibot ko ang paningin sa paligid. My mouth formed into "o" when I saw the glass walls. Kitang-kita ko ang mga tao at dumaraang mga sasakyan sa labas. This place is magnificent! “I assumed you were Anastasia, right?" Bumaling ang mga mata ko sa babaeng lumapit. She's wearing business attire and holding a bunch of paper. Mukhang ka-edaran ko lang siya. May maliit na ngiti sa mga labi niya. She looked so formal and professional. Once again, I was fascinated to see a woman looking so formal like my brother. “Yes, I am." Ngumiti siya. “Great! Mr. Trinidad is waiting for you in his office. He'll interview you himself," sabi niya. Iginaya niya papunta sa double mahogany doors. “Is he the C.E.O of the company?" tanong ko sa kanya. Tumango siya. Oh! Wow! Akala ko isa ring empleyado ang magi-interview sa 'kin. My future boss is a hands on. “Don't worry, mabait ang amo natin. Well, if ever you passed but unfortunately, he can be a little bit flirty sometimes. Overall, huwag kang kabahan," she assured. Ngumiti ako nang malapad. “No, I'm not. I am more than ready for this," confident kong sabi. Ako na mismo ang nagbukas ng pintuan saka pumasok. Sumunod rin naman siya sa akin. The moment I opened the door, I saw a brown haired man. Nakayuko ito at pumipirma sa mga papel. He looked young, which is not what I expected. Parang ka-edaran niya lang si Luhence. But my attention was easily robbed by the magnificent view of his office. Nakalimutan ko bigla kung ano'ng ginagawa ko roon at napatanga. The view in the mansion is beautiful but never have I seen a view in the top of a building. Nagmukha ata akong ignorante sa mga kinikilos ko. But can you blame me? Bago sa akin ang mga ganitong lugar. This feels like discovering new things. I wonder what our company building looks like. I can't believe I missed opportunities to see beautiful things like this. Napabalik ako sa realidad nang may marinig akong tumikhim. Napatingin ako sa lalaking nasa swivel chair. “Miss Anastasia Alvannia?" Oh! Oo nga pala. Ngumiti ako sa kanya. “Good morning, Mr. Trinidad. Yes, I am Anastasia Alvannia, Sir." May kakaibang kinang sa mga mata niya ang napansin ko. Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon. “Take a seat." I thank him politely before sitting down. “Tell me your edge among other candidates?" tanong niya. This is it! Ito na! “I can't tell exactly how far my edge is with your previous candidates. But my understanding to be fit for this job is that I'm ready and capable in any urgency that your business needs. I'm here for the company as assets to grow and assist the head for any work related matters." Ngumiti ako. May ilan pa siyang itinanong sa akin na maayos kong nasagot. Dahan-dahang siyang tumango nang masagot ko ang huli niyang tanong. Napansin ko naman ang pasimpleng pagtaas ng kilay ni Belle. Hindi ko alam kung para saan. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya. Tumango-tango siya. “Though, it will be your first time but still I can see your potential as a good secretary." Ibinaba niya ang resume ko at nag-angat ng tingin sa akin. A wide smile appeared in his lips. “You're hired, Miss Alvannia." Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong nagpasalamat kay boss. I passed! Oh my God! I knew it. May trabaho na ako! “Are you sure, Sir?" tanong ni Belle. Bahagyang gulat ang ekspresyon niya sa mukha. “Yes," maikling sagot ni Boss. "You can now start tomorrow. I'm expecting you here in my office, eight in the morning. Sharp." I nodded happily. “Yes, Sir!" Dahil sa sobrang saya ko, hindi ko nagawang magpaalam sa kanilang dalawa. Para akong sira na malawak ang ngiting pumasok sa elevator. I can't wait to start tomorrow and experience how to be a secretary. How to work and earn my own money! Nang makarating ako sa baba hinanap ng mga mata ko si Luhence. Lumapit ako nang makita ko ang nakaparada niyang kotse 'di kalayuan sa building. He's leaning on his car and his hands on his pocket. “Luhence—" Naputol ang sasabihin ko nang magtama ang mga mata namin. Natigilan ako nang makita ang mga malalamig niyang mata. Napalunok ako bigla. I felt like I'm in trouble. Mistula akong nabato nang lumapit siya sa 'kin. Mas napagmasdan ko ang mga mata niyang madidilim. “I am not a mere bodyguard, Anastasia. Don't you f*cking use the boss' card on me because I follow no one, not even your brother." Napalunok ako sa baba ng boses niya. “Disobey me once more, sweetheart and I will show you who's the real boss. Maliwanag ba tayo, Anastasia?" mariin niyang tanong. I felt something strange inside my chest. Para akong nahihipnotismong tumango sa kagustuhan niya. He gave me a mischievous smirk before leaning. Nahigit ko ang hininga sa ibinulong niya. “Good girl."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD