Kumpleto na sila sa hapagkainan nang dumating ako. Saglit akong sumulyap kay Amber na nagbaba ng tingin. I glanced at Dad. "Good evening," tipid kong bati. Inabot ko ang kubyertos para magsimula nang kumain. Ngunit napatigil ako nang mapansin na ako lang ata ang gumagalaw sa amin. Kunot-noo ko silang tiningnan. "Bakit hindi pa kayo kumain?" tanong ko. Imbes na sagutin ako ay tumingin si Tita Georgina kay Dad. "I thought we have visitor?" Napatingin naman sa akin si Dad. Saglit na nag-loading ang utak ko. Pumasok sa isip ko na sinabi ko pa lang pupunta rito si Mom. That's only a joke. Hindi ko alam na mag-aantay talaga si Dad kay Mom. Sumulyap ako kay Tita. Mukhang wala itong alam sa dapat na magiging bisita namin. "Mom's not coming. I'm just kidding," saad ko. Nagpatuloy ako sa pagka

