I used my extra cash to pay the Uber. Maayos kong narating ang port kung nasaan nakatambay ang yate na ginagamit namin noon ni Titus papunta sa Paradise. Nagulat pa sa ’kin ang nagbabantay niyon.
“Ma’am Anastasia! Ano hong ginagawa n’yo rito nang ganitong oras?” gulat niyang tanong.
“Ihatid n’yo po ako sa Paradise. Doon muna ako magi-stay,” sagot ko.
Tinulungan niya ako sa pagsampa sa yate. “Alam ho ba ito ni Sir Klane o ng kapatid ninyo?” tanong niya.
Naupo ako. “Hindi. Sabihin n’yo na lang po kapag tumawag si Dad.”
“Diyos ko, ma’am! Mayayari ho tayo nito sa daddy ninyo.” Pinaandar niya ang yate.
Niyakap ko ang sarili nang maramdaman ang hanging tumama sa balat ko. Ramdam ko ang lamig kahit pa naka-jacket ako. Hindi na ako tumugon hanggang sa marating namin ang isla.
They were actually three islands and they called it Alvannia Islands. It consists of Paradise, Oasis, and Oddysey. Paradise pa lang ang napupuntahan ko. Sa pagkakaalam ko, nasa Cavite ang Oasis. Hindi ko naman alam kung nasaan ang Oddysey. I inherited it from my mother. Obviously, Alvannia ang apelyido namin.
Pagkarating namin, dumeretso ako sa balcony. Katabi lang ito ng pool. Naupo ako sa malaking sofa na nakaharap sa payapa at madilim na dagat. May ilang poste ng ilaw kaya kita ko pa rin ang bawat hampas ng alon.
Sana tanghali na malaman ni Dad o ’di kaya ay ’wag na nilang malaman na nandito ako. Gusto kong maglibot mamaya pagkagising ko. Tuluyan akong humiga at umidlip.
“Ma’am Anastasia!”
Nagising ako dahil sa sigaw na ’yon. Maliwanag na sa paligid pagkagising ko. Naupo ako at hinanap ang lalaki ngunit hindi siya ang nakita ko.
“Nagkakagulo ang lahat sa bahay dahil sa pagtakas mo. Do you know how much trouble you did? Dad is mad and Mom is worried!” sermon ni Titus.
Napabuga ako ng hangin. Tinalikuran ko siya. “Just like what I wanted,” bulong ko.
“And you don’t even look regretful,” mariing saad niya.
Tumayo ako at hinarap siya. “Because it’s my plan. Sobrang concern n’yo na mapahamak ako pero hindi n’yo man lang ako magawang kumustahin. I only have Luna to take care of me simula noon hanggang ngayon. Siya nga lang yata ang kadugo ko roon,” sarkastiko kong saad. “Because you all are nowhere to be found! My 18th birthday is approaching but I haven’t even do half of the things I want to do in my life.”
“What are you fussing around, Anastasia? We’re working—”
I cut him off. “Gusto ko lang ipaalala sa inyo na tumatanda na ako. If you can’t even say hi or ask how I am, then let me live a life!”
“You are just 17, Anastasia. You are so vunerable to our enemies. You’re arguing a nonsense reason!” Parang kulog na umalingawngaw sa paligid ang boses niya.
“It’s not! I’ve been in that mansion my entire existence. I didn’t complain when Dad refused to send me to school! And now that I’m turning 18. Gusto ko lang magdesisyon sa sarili ko. Hayaan n’yo akong pumunta rito sa isla. Send me bodyguards if you want, I won’t complain. Stop making me a prisoner in that mansion!” Kinuha ko ang bag ko at tinalikuran siya. Ang hirap i-explain ng gusto mo kung superior ang tingin nila sa sarili.
Papabukas na sana ako ng pinto nang matigilan ako sa umalingawngaw na putok ng baril. Napahawak ako sa likuran ko nang maramdaman ang pagkirot doon.
“Anastasia!”
Nanghina ang mga binti ko nang makita ang dugo sa kamay ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Titus sa braso ko at paghila sa akin sa loob.
“f**k! Hold on!”
Kinuha niya ang cell phone at may kinausap doon ngunit hindi ko na narinig dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising na lang ako sa kuwarto at may nakakabit na dextrose sa likod ng palad ko. Sobrang sakit ng likod ko. Napansin ako ni Luna.
“Anastasia! Gising ka na! Saglit lang. Sasabihan ko ang magulang mo. ’Wag kang masyadong gumalaw,” nagmamadali niyang sambit bago lumabas ng kuwarto.
Hindi ko na siya natawag pa para pigilan. Hindi ko pa marinig ang sariling boses ko. Para akong napaos. Tumagilid ako para makatalikod sa pintuan kahit pa masakit ang likod at buong katawan ko.
“Anastasia . . . oh my God!” Narinig ko ang boses ni Mom. Naramdaman ko ang paglubog ng kama at haplos niya sa braso ko. “How are you feeling? Masakit ba ang likod mo?”
Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatalikod sa kanila.
“Tingnan mo kung saan ka dinala ng katigasan ng ulo mo, Anastasia. You almost die! What if your brother wasn’t there? May pinaglalamayan na sana kami ngayon!” galit na sermon ni Dad.
“Klane! Our daughter is still weak and wounded. This is not the time for that!” saway ni Mom.
But Dad was unstoppable. He was mad. “I made myself clear to you, Anastasia, before you leave the room but you still went there by yourself. Ginagawa namin ang lahat para protektahan ka tapos ganito ang ginawa mo?”
“Can you just give me a space? Why are you all even here? Baka makaistorbo pa ako sa mga trabaho ninyo,” malamig kong saad.
Ilang segundong bumalot ang katahimikan bago nagsalita si Mom. “A-Anastasia, we are here because we are your parents and we are worried.”
Kahit sobrang sakit ng likod. Pinilit kong bumangon para harapin sila.
“Well, I don’t feel it. Kung hindi ba ako nabaril, maaalala n’yo pa ba ako? Maaalala n’yo pa ba na may dining area tayo na pampamilya pero ni minsan, hindi natin nagawang kumain nang sabay? Do you all even ask me if I was still okay in this big-ass mansion? No. Kaya iwan n’yo na lang ako. Mas feel ko pa ang pag-aalala ni Luna kaysa sa inyo,” masama ang loob na sambit ko.
Tinulungan ako ni Luna na humiga dahil hindi nakagalaw si Mom sa pagkabigla. Ipinikit ko ang mga mata ko. Muli kong narinig ang pagbukas ng pinto.
“Let her do what she wants. If she wants freedom, she will have it.” Boses iyon ni Titus. Nakaramdam ako ng pag-asa. Kapag kasi siya ang nagdesisyon, pumapayag si Dad. “I’ll send her to Cavite when she reached 23. I have someone trusted to take care of her.”
“What about the risks?” tanong ni Dad.
Sumagot si Titus. “Hindi ko pababayaan ang kapatid ko. She’ll be safe.”
Hindi ko na narinig ang pagtutol ni Dad. Nakahinga ako nang maluwag nang magpaalam sina Mom at Dad. Naiwan si Titus.
“Bakit 23? Hindi ba pwedeng 20? Ang tagal pa no’n,” reklamo ko. Narinig ko ang yabag niya paalis. “Titus!”
“Don’t call me by my first name. I am your older brother, Anastasia. Be good. Or you will definitely change my mind.” Tuluyan kong narinig ang paglabas niya.
Napabuntonghininga ako. Okay na rin kaysa hindi.