CHAPTER THREE

1147 Words
Hindi mangalay ang panga ko kakangiti. Sa wakas! Makakamit ko na ang kalayaan. I’m already 23 years old at bukas na ang alis ko papuntang Cavite. Doon muna ako hangga’t hindi nila nahuhuli ang taong bumaril sa ’kin noon. Lumipas na ang mga taon ngunit palaisipan pa rin kung sino ang mastermind. I don’t know the process of their investigation just to capture who it was but it’s really taking long. Hindi ko alam kung bakit. Tatlong katok ang narinig ko bago pumasok si Luna. May ngiti sa labi niya pero nakikita ko na hindi naman talaga siya masaya. “Mag-iingat ka roon, ha? ’Wag mong pabayaan ang sarili mo. Bawasan mo ang pagkain ng mga prito. Laging gulay ang kainin mo.” Unti-unting nabasag ang boses niya. “Huwag kang mag-aalala sa ’kin, Luna. Kaya ko na ang sarili ko saka kakain ako palagi ng gulay roon. Babalik din naman ako kapag ayos na. ’Wag ka nang malungkot,” alo ko. Kaagad niyang pinunasan ang luha na bumagsak sa mata. “Hindi ako makapaniwala na malaki ka na talaga. Para kailan lang, napakaliit mo pa. Napakabilis talaga ng panahon.” Naupo ako sa kama pagkatapos kong mag-empake. “Mabilis talaga ang panahon, Luna, kaya mag-asawa ka na. Look at me. Malaki na ako, o. Kaya ko na ang sarili ko. Sarili mo naman ang alagaan mo. Bakit hindi ka magbakasyon habang wala ako para makapag-enjoy ka, ’di ba?” suhestiyon ko. Lumapit siya sa luggage ko. Isinarado niya iyon at dinala malapit sa may pintuan. “’Yon nga siguro ang gagawin ko. Wala na sa mansyon ang alaga ko, eh.” Napangiti ako. “See? Kaya ’wag ka nang malungkot. I’m pretty sure, ligtas ako roon. Hindi naman ako basta-basta ipagkakatiwala ni Titus sa kahit kanino.” “Hmm,” pabulong na sang-ayon niya. “Tiyak kong mapagkakatiwalaan talaga ang inatasan ng kuya mo. Hindi iyon basta-basta papayag kung hindi siya sa sigurado. Magpasalamat ka sa kanya, natupad na rin ang hinihiling mo.” “I’ll thank him later,” saad ko. Humarap siya sa ’kin saka pinagkrus ang mga braso. “Huwag kang gagawa ng kalokohan doon ha, Anastasia. Ayaw mo namang bumalik siguro dito sa mansyon.” Umiling ako. “No. I have a lot of listed things to do but it won’t cost me any trouble.” Tumango-tango siya. “Sige. Ipaghahanda na kita ng makakain,” sambit niya. “Dito na ako kakain, Luna,” imporma ko. Huminto siya at bumaling sa ’kin. “Hindi mo ba kakausapin ang dad at kuya mo?” Nagbaba ako ng tingin. “They will talk to me if they want to say something, Luna,” mahina kong sagot. “Okay. Hintayin mo ’ko, ha. Saglit lang ako,” saad niya. Tumango ako. Hindi na ako nag-angat ng tingin nang lumabas siya ng kuwarto. Saglit akong nagpakain sa katahimikan bago marinig ang tatlong sunod na katok. Napaupo ako nang pumasok si Titus. “Your bodyguard will fetch you here tomorrow. Huwag kang gagawa ng kalokohan doon, Anastasia. Or else, I will send you back here,” paalala niya. “I know. I know. Hindi na ako bata. I know what to do and not,” sambit ko. “Anyway, thank you.” Marahan siyang tumango. “Do everything you want and love. Huwag mo lang papabayaan ang sarili mo and always follow your bodyguard. Don’t let yourself lose his sight.” Nag-thumbs up ako. “Noted!” “Be careful, Anastasia,” paalala niyang muli bago nagpaalam at lumabas ng kuwarto. Muli akong napahiga. Dad and Mom didn’t even bother seeing me. How stupid I am to think na pagkatapos kong sabihin ang matagal ko nang kinikimkim, maayos n’on ang matagal na naming setup. Napapaisip ako kung alam ba nilang bukas na ang alis ko. I wonder what keeps them busy para makalimutan ako. Hindi pa sumisikat ang araw ngunit nakagayak na ako. Maya-maya lang ay darating na ang sinasabing bodyguard ni Titus. Tumingin ako kay Luna na alam kong tahimik na umiiyak. If only I could bring her there but Titus refused. “Huwag ka nang umiyak, Luna. Para namang mamamatay na ako, eh,” saad ko. Pinanliitan naman niya ako ng mga mata. “Mag-ayos ka! Wala nang mag-aalaga at magpapaalala sa ’yo roon kaya lagi kang mag-ingat.” Sabay kaming napatingin sa dumating na kasambahay para ipaalam na nariyan na ang hinihintay namin. Bigla kong naramdaman ang lungkot. Hindi sa pag-alis kundi para sa pag-iwan kay Luna. Siya na kasi ang palagi kong kasama. Ito ang unang beses na magkakahiwalay kami. “Magbakasyon ka, ha! ’Wag mo ’kong alalahanin,” paalala ko. “Oo, sige na. Mag-iingat ka.” Ngumiti siya sa ’kin. I smiled for the last time bago ako tumalikod at tinungo ang kotse na naghihintay sa ’kin. I sat in the backseat. Nalulungkot na kumaway ako kay Luna hanggang sa umaandar ang kotse. Napabuga ako ng hangin. Bigla akong natigilan nang masinghot ang panlalaking pabango sa kotse. Dahan-dahan akong nagtingin sa front mirror. Saglit akong natigilan nang mapansin ang bughaw na mga mata ng nagmamaneho. “Ikaw ba ang bodyguard ko?” tanong ko. Nag-angat siya ng tingin. Nagtagpo ang mga mata namin sa salamin. He has gorgeous electric blue eyes. “What do you think?” Awtomatikong napaangat ako ng kilay. Ang sungit, ah. “Ahm . . . Anong pangalan mo?” tanong ko uli. Hindi siya sumagot. Why is he so grumpy? Hindi ko mapigilan ang sarili ko at kinalabit siya. “Pangalan mo?” Marahas siyang napabuga ng hangin. “Luhence,” tipid niyang sagot. “Okay,” mahina kong sambit. Tumahimik na lang ako at humilig sa pintuan ng kotse. Mahina akong napabuntonghininga. Dad and Mom didn’t even bother talking to me. Ilang oras din yata ang itinagal ng biyahe namin. Alas-otso na ng umaga kami nakarating. Bumaba ako sa kotse at tiningnan ang two-storey house. It has white exterior and glass windows. “Kaninong bahay ’to?” Nilingon ko siya ngunit natigilan ako nang tanggalin niya ang face mask at black cap na suot. Nagtagpo muli ang mga mata naming dalawa. He’s so handsome . . . Itinapon niya sa loob ang cap na suot kanina saka seryosong tumingin muli sa ’kin. “Your room is upstairs. Left side. Last room. Don’t go out without informing me.” Hindi niya na ako hinintay pang makapagsalita at nauna nang pumasok sa loob. Ang guwapo nga pero ang sungit naman. Bumaling ang mga mata ko sa luggage ko. “Ungentleman pa.” Really? He’s my bodyguard? Wala na bang ibang choice?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD