CHAPTER FOUR

1137 Words
Dahil maaga akong nagising kanina. Mabilis akong nakaidlip. Hindi ko na namalayan kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Napalingon ako sa bintana at nailing na lamang nang mapansing madilim na. Naghilamos muna ako bago ako lumabas ng kwarto ngunit nangunot ang noo ko. “Bakit nakapatay ang ilaw?" tanong ko. Kung hindi lang dahil sa ilaw na tumatagos mula sa bintana, ay para akong bulag na nangangapa sa dilim. Napapaisip ako kung bakit nakapatay ang ilaw. Hindi ba siya makatulog kapag maliwanag? Dumiretso ako sa kusina para sana magluto nang mapatigil ako. Nanlaki ang aking mga mata nang maaninag ang anino ng isang bulto na nakatayo sa may lababo. Hindi ko masabi kung lalaki o babae ang nagmamay-ari ng anino kaya lakas loob ko siyang kinausap kahit tinatambol ng kaba ang aking dibdib. “Si-Sino ka?" nauutal kong tanong dito. Napapaatras ako nang pumaharap siya at unti-unting lumapit sa akin. I was about to scream but he covered my mouth using his hand. Pinaghahampas ko siya sa dibdib ngunit parang wala lang sa kanya. I was already panicking kaya ginawa ko na ang tanging alam ko para makaligtas. I kicked his balls. He groaned in pain. “F*ck!" Naapatras siya mula sa 'kin. Napasinghap naman ako nang marinig ang boses niya. Dali-dali kong hinanap ang switch ng ilaw at binuksan. Ganoon na lang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Luhence. He's on the floor covering his crotch and groaning in pain. Napangiwi ako at nakaramdam ng guilt. Napalakas ata ang pagkakatuhod ko. “I-It's your fault," sisi ko. Alam kong hindi magandang sisihin ko siya dahil ako ang nanuhod but I have a valid reason, okay! I am just trying to protect myself. Isa pa, bakit kasi hindi kaagad siya nagpakilala 'diba? Nanlilisik ang mga bughaw niyang mata sa akin. Kung may kamay lang ang mga mata niya baka sakal-sakal na ako. “Paano ko naging kasalanan 'yon? Ikaw ang biglang nanuhod!" he hissed. Napakamot ako sa ulo. “Akala ko kasi masamang tao ka. Hindi ka naman kasi nagpakilala kaagad." “Hindi ko kasalanan na hindi ka nagbubukas ng ilaw! And one more thing, bakit ka pa magtataka? Ako lang ang kasama mo rito!" asik niya. Nameywang ako. “Malay ko ba kung may nakapasok. Wala ka namang guard dito. Naninigurado lang ako saka kung naging maagap ka hindi ka nakaluhod diyan kaya kasalanan mo 'yan!" Lalo ata siyang nanggigil. “Why would I hire a guard when I am a f*cking bodyguard! Just admit that If you're not being stupid. Nothing will happen!" Umawang ang mga labi ko sa sinabi niya. “I am not stupid! Aminin mo na lang kasalanan mo! May patakip-takip ka pa sa bibig ko. Mamaya may germs ka. Yuck!" “Sorry to burst your bubble but I am cleaner than your personality. Mahihiya ang kahit sino o ano na dumapo sa balat ko!" laban niya. Napaismid ako. “Ang yabang. Akala mo hindi naghuhugas ng pwet gamit kamay," sarkastikong bulong ko. Nagtagis ang ngipin niya na para bang pinipigilan ang sarili na kaltukan ako. Dahan-dahan siyang tumayo nang makabawi sa sakit. He run his fingers through his hair frustratedly. “Oo nga pala. Ano'ng ginagawa mo rito nang nakapatay ang lahat ng ilaw? May ginagawa ka bang kababalaghan d'yan?" tanong ko. Sinulyapan ko ang pinagtayuan niya kanina. Pinanliitan niya ako ng mga mata. “So what? This is my house. Gagawin ko lahat ng gusto ko. Ang trabaho ko lang ay protektahan ka. Hindi sundin ang mga gusto mo." Napakasungit talaga. Pinagkros ko na lang mga braso ko at hindi na siya sinagot. Tinalikuran niya ako saka lumapit sa lababo. Ibinalik niya ang jar na hindi ko napansin kanina sa ref saka hinugasan ang baso at ibinalik din sa lalagyanan. Oh! He's drinking. Walang salitang lumabas siya ng kusina. Nakasunod ang mga mata ko sa kanya hanggang sa tuluyan siyang mawala sa aking paningin. Napabuga ako ng hangin. “Out of all bodyguards that my brother can choose. Naglalakad na ampalaya talaga ang pinili, aish!" Kumuha na lang ako ng maluluto sa ref. I need to go back to sleep again. Maaga ako bukas. NAPAUNGOL ako sa inis nang marinig ang malakas at matinis na tunog ng alarm clock ko. Antok na antok pa ako kaya hinayaan ko muna saglit pero mukhang hindi titigil ang sinumang asungot na ito. I picked it up bago ko pa maitapon. “What?" asik ko sa kabilang linya. “Good morning to you too. How's everything? Tell me only good things. Umaga pa para mainis," kalmadong saad nito. “Titus?" tanong niya. “Do you have a brother named Titus other than me?" kalmadong pagkakasabi niya ngunit bakas ang sarkasmo rito. Naiinis akong napakamot sa ulo ko. Gusto ko siyang barahin. He called me so freaking early in the morning just to ask me that? Pwede namang mamaya. “It's okay. I love the house. It was beautiful. By the way, the bodyguard you were telling me. I don't like him. Napakasungit niya!" reklamo ko. Saglit na natahimik siya sa kabilang linya. Akala ko naputol na ang tawag na ikakatuwa ko sana kaso nagsalita siya uli. “Just perfect for your attitude. Hindi na ako mag-iisip na baka isang araw nawawala ka na o naimpatso ka sa pagkain ng pritong manok dahil sa katigasan ng ulo mo.” I snorted. As if that would happen. Kaya ko naman ang sarili ko. What I am? Fifteen? “Saan mo ba napulot 'yon?" tanong ko. Ang tinutukoy ko ay si Luhence. “It doesn't matter. What matters is he can handle my stubborn little sister. Be good to him." Yumakap ako sa unan. “Bakit ko gagawin 'yon? He's so annoying. No fun!" “Be good to him dahil sa oras na sabihin niyang hindi ka sumusunod. I will send you back here in the mansion. You don't want that, right?" Ang aga-aga ang galing mang-inis nito. Mag-best friend ata sila ng ampalayang 'yon, eh. Parehas magaling manira ng araw. “Okay! Fine!" nababagot kong sagot. "By the way, mayroon na bang lead?" “Still nothing. You're lucky because we are having a hard time finding who it is. I have to go. I'll just call again next time. Be good," sambit niya. “Yeah," tipid kong sagot. Inilagay ko ang cellphone sa vanity table at muling pumikit. ’Yon lang pala ang sasabihin. Akala ko kung ano na. Mabilis akong nakatulog uli. Maliwanag na nang magising ako. Tumayo ako mula sa pagkakatahiga saka dumiretso sa banyo. Pagkatapos ay bumaba ako sa kusina para magluto ng agahan. Pababa na ako nang maalala ang nangyari kagabi. Bahagya akong napangiwi. I don't wanna see him. Kahit na nagawa kong dumipensa kagabi. It's still embarrassing. Sana tulog pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD