Jonga's POV: "Dumapa kayo! Kung may dala lang akong baril binutasan ko na ang mga iyan ng bungo! Tang inang buhay 'to!" sigaw ni Jessica. Si Vita naman ay binabalutan ng tela ang bandang balikat ko para matigil ang pagdurugo nito. Nanlalambot na rin ako dahil sa mga nawala sa aking dugo. Mabuti na lamang at naigagalaw ko na muli ang katawan ko. Iyon nga lang ay baka hindi na ako makatagal dahil sa balikat kong natamaan ng bala. Nagawa naming makalayo kanina sa pinasukan naming kwarto. Nagbabarilan na ang kampo nila Frabulah at nung Kushia. Hindi ko lubos akalaing nangyayari ito ngayon. Pinaikot nila kaming lahat sa kanilang mga palad. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa lahat. Sa lahat ng mga kasinungalingan. Walang totoo sa mundong ito, pati ang mga taong kasama

