Jonga's POV: "Pst, gising!" "Jonga, gumising ka na!" "Kailangan nating makatakas!" Unti-unting nagigising ang diwa ko kaya bahagya na akong nagmulat. Nag-adjust pa ang aking paningin sa liwanag hanggang sa maaninaw ko na ang kinalalagyan namin. Nasa isa akong glass chamber at nakakadena ang dalawang kamay sa magkabilang gilid. Napalingon naman ako sa aking kaliwa kung nasaan si Vita. "Anong nangyari? Sa naaalala ko, hindi ba at binaril tayo?" tanong ko. "Pampatulog ang bala no'n kaya hindi pa tayo patay. Kailangan nila tayo ng buhay, Jonga. Hindi ko alam kung anong plano nila pero sigurado kong hindi iyon maganda. Nalintikan na tayo ngayon. Mahirap makalabas," sabi ni Vita. Inilibot ko naman ang aking paningin sa paligid. Wala ang mga nauna sa aming nadakip na sila Cosmo. Tang

