Jonga's POV: "Vita, masama na ang kutob ko. Napakatagal nila! Wala na rin tayong koneksyon miski radyo sa kampo nila Neptulah. Baka may kung ano nang nangyari na sa kanila. Kailangan na nating kumilos," paki-usap ko kay Vita. "Jonga, ang sabi nila Frabulah ay huwag tayong aalis! Mag-intay tayo ng ilan pang minuto. Kapag talaga walang dumating ay saka tayo kumilos," sabi ni Vita. Napabuntong hininga na lamang ako at umupo sa gilid. Kaya pala masama na ang kutob kanina ni Vita. Lintek na paghihintay kasi iyan, hindi pa tuloy kami makasunod. Isa pa ay wala kaming sasakyan. Kabang-kaba na ako pero wala naman akong magagawa. "Nandiyan na sila! May truck na paparating! Kita ko si Anika!" sigaw ni Jessica na papunta sa direksyon namin. Kaagad naman akong napatayo at tumakbo sa humintong

