Jonga's POV: "Walang maingay. Kapag may kumaluskos sa inyo ako na mismo ang babaril," hinihingal na sabi ni Neptulah. Kaagad kaming nagtago ulit sa loob ng building. Nasa iisa kaming lamesa ni Cosmo na nagtatago. Mabuti na nga lang at nagkasya kaming dalawa. Napakalaki ko pa man ding tao. "Find them! I know they are already here in outer back. Those two Egyptian sisters won't waste time," rinig kong sabi ng isang pambabaeng boses. Paniguradong ang tinutukoy nila ay si Neptulah at Frabulah. Nakakita naman ako ng basag na bubog kaya kinuha ko ito. Napakunot naman ang noo ni Cosmo pero sinenyasan ko siyang huwag maingay. Ginamit ko ang repleksyon ng bubog para tingnan kung sino at ilan ang mga ito. Mga hindi pamilyar ang mukha nila at matatangkad. Mga babaeng nakasuot ng white jumpsui

