Jonga's POV: Matagumpay kaming nakalapag sa Spain at nakapag-ikot para maghanap ng mga armas. May mga pinasok kaming police station at gun shops. Marami na rin kaming nakuha na sa palagay namin ay sapat na. May dalawang submarine kaming sasakyan dahil masyado kaming marami. May mga kasamahan kaming magpapatakbo nito. Aayusin na agad namin ang plano. Mabuti na nga lang at napabilis na ang lahat. Hindi na namin kailangan pang magtagal ng ilang araw pa sa America upang maghanap ng mga kagamitan. Delikado rin kung magtatagal kami. Ayaw ko naman o namin na abutan pa ng mga kalaban. Naglakbay na kami rito sa ilalim ng dagat. Hindi ko naman maiwasang mamangha sa lahat. Madilim nga lang dahil gabi na, ngunit may nakikita pa rin kaming mga isda na lumalapit. Nakakatuwa nga at napakaganda rito

