Jonga's POV: Ngayon ang lipad namin papuntang United States of America. Mula rito sa South Korea papuntang USA ay nasa 13 hours at 35 minutes ang byahe. Sobrang jetlag na naman ito. Kung nagtotour sana kami ay matutuwa pa ako. Ang kaso, pagdating namin doon ay bakbakan ang aming ipinunta. Nagkakarga na kami ngayon sa sasakyan ng mga gamit at armas. Kinakabahan ako dahil iyong unang alis namin ay napurnada at naharang kami ng mga alagad ni Kushia Calaweigh. Naalala ko na naman ang Clarice na iyon, hindi ko nakakalimutan ang mga ginawa niya. Pati si Chog, ang sakit sa puso balikan ang lahat. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong mayroon ako at mas pagbubutihan pa ang lahat. Maayos na ang lagay ni Cosmo kaya makakasama siya maging si Vita at Neptulah. Nauna nga lang ito sa sasakyan dahil

