Jonga's POV: Mabilis kaming tumakbo at inilabas ang baril naming may balang pampatulog. Handa talaga sila sa ganitong mga pagkakataon. Mukha regular na itong nangyayari sa kanila. Katakot-takot pala ang hinaharap nila. Hindi mababangis na halimaw ang kalaban, mababangis na tao. Mas delikado! "Huwag niyo silang papaputukan sa ulo. Sa leeg pababa lamang," bilin ni Cosmo at tumakbong patalikod. Mas gumaling siya at nahasa ang skills sa pakikipaglaban. Lalo na ang pagbaril, asintadong-asintado siya. Idagdag pang ang angas ng bawat galaw niya. Mukhang nahasa siya sa pagtagal ng panahon. Nawala ang pagtitig ko kay Cosmo nang may bumatok sa akin. Pagtingin ko sa gumawa no'n ay si Vita pala. Napangiwi na lamang ako sa sakit habang siya ay masama ang tingin sa akin. "Patay ka sa akin mamay

