Cosmo's POV: Para akong pinipiga at sinusuntok ng katotohanan. Ano nga ba ang aasahan ko? Ako ang umalis at nagtraydor sa kanila. Tatlong taon akong nawala, hindi na dapat ako nagtaka na hindi na ako ang nasa puso niya hanggang ngayon. Pero sobrang sakit pa rin. Mapait akong napangiti at nagpunas ng aking luha. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. May anak na sila ni Vita at masaya, wala akong laban kay Vita. Nakaraan lang ako, kasalukuyan siya. May anak din sila at ayaw kong makasira ng pamilya. "H-Hindi ko intensyong makigulo. Gusto k-ko lang kayong maka-usap. Pwede ba akong t-tumuloy sa munting tahanan niyo?" nakangiti kong tanong. Pinilit kong ayusin ang sarili ko maging ang tindig. Alam kong pinapamukha ni Vita sa akin ang nagawa kong mali at kasalanan ko. Pero ginawa ko

