Jonga's POV: "Sa nakalipas na tatlong taon..." panimula ni Cosmo. Hindi ko maiwasang i-alis ang titig ko sa kaniya. Mahaba na ang kaniyang hanggang balikat na buhok, maganda ang postura, kagalang-galang na tingnan hindi katulad ng dati na parang liliparin ng hangin, at mas nagmatured pa itong tingnan. Kung dati ay nene pa, mukha na ito ngayong super model. Sa unang tingin nga ay hindi na siya makikilala. Halos naman kaming lahat ay malaki na ang pinagkaiba. Gumwapo rin naman ako, isang tingin ko pa lang sa salamin ay alam ko na iyon. Nakinig naman ako nang taimtim sa mga sinasabi niya. May parte akong natatakot sa mga malalaman ko at nababahala. Mayroon ding parte na wala ng pakialam sa kung ano man ang nangyayari sa labas. Pero ang hindi ko maialis, ang mga taong umaasa sa akin na ak

