PROLOGUE

573 Words
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name, places, events and incidents are all product of author's imagination. Any resemblance to actual people, places and events are purely coincidental. _______________________________________________________________________________________________ Napatingin ako sa orasan ko at agad na kumaripas ng takbo. s**t! Late na talaga ako. Paano ba naman, lakas mag-aya ni Ysabelle kagabi, sabi nang may klase ako eh! Laking pasasalamat ko nang umabot ako sa classroom ko. I'm 15 minutes late, at kung umabot siguro iyon ng 20 minutes, malamang ay wala na akong aabutang studyante. Badtrip, may hangover pa pala ako. Demonyo talaga 'yong babaeng 'yon eh. Pagpasok ko sa classroom, agad namang nagsipagtahimikan ang mga studyante. "Good morning class," Pagbati ko sakanila. Buti nalang at hindi pa ko masyadong hagard. "I gave you 15 minutes so that you can study about our previous lesson. Now get one whole sheet of yellow pad, we will have surprise quiz." Palusot ko. Nakarinig naman agad ako ng mga nagrereklamo. Wala naman talaga akong balak magpaquiz, kahit ako nasuprise din eh. After ng quiz, marami pa namang free time kaya pinagpahinga ko muna ang mga studyante ko habang ako ay inaayos ang transcript of records for the first quarter. Ngayon na ito ipapasa at hindi ko parin natatapos. Leche talaga si Ysa. "Miss, ano yan?" Tanong nung papansin kong studyante na si Clark. "Secret." Sabay sara nung laptop ko. Kumuha ito ng upuan at inilagay sa tabi ko. "Damot mo naman, ano nga kasi 'yun?" Makulit na usisa nito saakin. "Grades niyo 'yun. Kaya bawal mo makita." "Pasado ba ako?" Tanong pa nito. Nginitian ko nalang siya, "Oo, pero mababa." Sabi ko rito. Lumapit naman ang iba n'yang kaibigan at iba ko pang studyante para makipagchismisan saakin. This always happen during may free time. I'm not the terror-type kasi. "Miss, lakad mo naman ako sa bagong professor." Sabi ni Monique, isa ko pang studyante na medyo maraming crush. "Meron ba?" Tanong ko rito. Wala kasi akong kilalang bago, tsaka second quarter na oh. "Opo, engineering department din," Kinikilig na sabi nito. "Lalandi ka na naman Monique. Ako nalang miss, lakad mo ako sa'yo." Malanding sabi ng isa ko pang studyante. Natawa nalang ako sakanila. "Mga baliw, tingin n'yo saakin? Si kupida?" Pabiro kong sabi. "Hindi miss, pero friendly ka kasi eh. Baka maging kaibigan mo 'yun, pakilala mo nalang ako, hihihi." Sabi pa ni Monique. Pero totoo nga naman. Halos lahat sa faculty, kasundo ko. It's my charms, baby! "Sige, sino ba do'n?" "Si Sir Montero daw miss, kakarating lang ata nun nung isang araw." Singit ni Clark. Pinalo pa ni Monique si Clark. Halatang kinikilig eh. Aral muna! Kaya ang bababa ng grades niyo saakin eh. Tsk tsk. Speaking of grades, kailangan ko na palang tapusin 'tong records. Ang dadaldal kasi nitong mga studyante ko, 'di maubusan ng sasabihin. "Class, iiwan ko na pala kayo, just don't go anywhere before the time ends, malalagot ako. Sige na." Pagpapaalam sa mga ito. Tumayo na ako at nginitian ang klase kong busy'ng busy sa pag-uusap. "Miss basta sir Montero ha. Aldwin Montero, teacher ng engineering math." Napakunot naman ang noo ko. What? Binalingan ko ng tingin si Monique. "Sino nga ulit?" "Sir Aldwin Montero daw miss." Sagot naman ng isang studyante. Nanlambot bigla ang tuhod ko nang marinig ang pangalan niya. Sir Aldwin Montero... Sir Aldwin... Sir... Hanggang ngayon malakas ka parin sa studyante? "Uy Jarelle nabalitaan mo ba? May bago daw tayong co-faculty," Sabi ng co-professor ko na katabi ko rin sa faculty. "Kaibiganin mo ha, gwapo raw." Hanggang ngayon may nauuto ka parin? "Kaso may jowa na, sayang!" At hanggang ngayon may sasaktan ka parin? Fucking asshole! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD