MMAC 1

2209 Words
"Maupo ka."   Sana hindi pa nacheck ni daddy yung email nya. Kinakabahan ako ngayon at bigla niya akong pinatawag papunta sa office niya. Hindi naman madalas mangyari 'to. Pag may kasalanan o bilin lang siya saakin. Umupo naman ako sa 4-seater niyang sofa, habang siya ay seryosong nakaupo sa harap ko. "Ano po yun, daddy?" Iniabot niya saakin ang isang folder na may lamang papel. Sa hula ko ay hard copy ito nung email na hinihiling kong hindi niya mabasa. Pero nabasa na niya. Naprint pa. "Can you explain this to me?" Bakas sa boses niya ang disappointment. Sorry naman, tao lang. Kinuha ko yung papel at kunwaring binabasa, pampakill time lang. Kahit alam ko naman talaga kung anong nakasulat dito. "Hala naexpell pala ako?!" Kunwaring gulat kong sabi. Syempre dapat 'di halatang may kasalanan ako noh. "Can you explain this to me?" Pag-uulit nito. Strikto talaga kahit kailan. Inilapag ko ang papel sa mesa, "Dad, ang strict kasi ng professor ko. She's mentally and emotionally abusing me. Kaya nga ako nag-aaral kasi mahina ako sa math 'di ba? Pero hindi man lang kinonsider yung effort ko." Kahit papaano, nag effort pa rin akong pumasok sa klase niya noh. "In other words?" Kinocorner naman ata ako ni daddy eh. "Pinaglaban ko lang sarili ko, malay ko bang anak pala siya ng Department Dean namin." Kasalanan ko bang tinawag-tawag niya akong boba at walang utak? Kapit-pera at madaya? Syempre 'di ako papatalo noh! Sino ngayon ang umiyak at napahiya sa huli? Eh 'di siya! Napasinghap naman si daddy. Halatang hindi niya nagustuhan ang ibinalita ko. "Itatransfer kita. Sana hindi na maulit 'to." Sabi nito, no choice siya eh. Natapos na ang pangyayari. "Yes dad!" Kinabukasan, pumasok na agad ako sa panibago kong school. Aba, kailangan kong magpaimpress kay daddy kahit papaano. Baka isipin niyang suwail akong anak, kahit hindi naman. Medyo late lang siguro ako ng mga thirty minutes. Pero okay lang yun, transferee naman ako. "Goodmorning guys." Bati ko pagkapasok sa room 304, first class ko. Nginitian ko sila, for happy first impression. Kaso mukhang may tension sa classroom na ito eh. So this is my classmates huh? "Excuse me miss, but you are interrupting my class." Napalingon naman ako dun sa nagsalita, it was our teacher. Wow. Nakasalamin ito kaya hindi mo unang makikita ang mata niya, but his eyes was bold. Madyado ring define ang jawline niya at yung labi niya? No comment. Basta masarap i-kiss. Nakasuot pa ito ng blue long sleeves na polo pero nakarolyo ito hanggang sa may siko at nakatuck-in ito sa slacks niya. May belt rin doon. Ang bango rin niya, ang saya naman ng klaseng 'to! Nakakasipag mag-aral. "Miss," Sabi nito kaya natauhan ako. Nakatitig na pala ako sakaniya, s**t! "Sorry po, transferee kasi ako. This is my first class." Magalang kong sabi. Siya naman ay tumingin sa class record nya bago ako binalingan ng tingin. "What's your name?" "Jarelle Austin," but you can call me love, sir. Lol. "Pwede na po ba akong umupo?" Paalam ko rito. "Wait," pagpigil nito saakin. "What course and batch are you in?" "BS Chemical Engineering, batch 205, sir." Then I flashed him my sweetest smile. Tinapunan ako nito ng tuwid na tingin sabay sabing, "You don't belong in this class. Now if you'll excuse us, may klase pa kami." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nakakahiya! Napatingin ako sa akala kong mga kaklase ko at awkard silang nginitian. "Aww, hindi pala kayo ang nakatadhanang classmates ko, sad naman." Sabi ko nalang to ease the awkwardness bago lumabas ng classrom. Sayang. It turns out, nagkamali pala ako ng building na napasukan. Building 3 pala ako, at building 2 'yun dito sa engineering department. Late lang ako ng isang subject kaya nung makarating ako, hinihintay nalang namin yung sunod na professor. "Hi, I'm Jarelle. May gagawin ba or something like assignments?" Tanong ko sa katabi ko. Pinasadahan muna ako nito ng tingin bago ito ngumit ng tipid saakin. "Meron, pero transferee ka naman." Sabi nito bago ibinalik ang atensyon sa kaniyang yellow pad. Pagkapasok ng prof, nagulat ako dahil siya 'yong teacher kanina. Kinolekta niya agad 'yung mga assignment. Syempre ako, bago at 'di pa niya nakikilala. "Sir may bago po tayong student." Biglang sabi ng katabi kong nakaglasses rin. Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya. Maitanong nga. "Kindly introduce yourself in front." Sabi ng prof namin. Agad naman akong pumunta sa harap at nginitian ang mga kaklase ko. "Hi guys, I'm Jarelle Austin. Sana maging friends ko kayong lahat," Napalingon naman ako sa prof ko, "Ikaw rin sir, sana maging friend kita." Swerte ko naman, teacher ko pala siya. Dalawang beses na niyang sinalubong ang umaga ko hihi. "I don't get in touch with my student personally. Now get back to your seat." So serious naman. Pasalamat ka, gwapo ka. Nagpakilala naman ako sa katabi ko, and it turns out mabait pala siya. Student council president siya kaya medyo busy at may pagkastrikta but she still became my first friend here at my new academy. "Ang gwapo nung prof noh. Sino nga ulit 'yun?" Tanong ko rito habang kumakain kami sa cafeteria. Luckily, sinamahan niya ako since wala pa naman akong kakilala rito. "Si sir Aldwin ba? Wag mo na pangarapin teh." Nagtaka naman ako. Libre lang naman mangarap ah. "Bakit naman?" "Wala ka do'ng pag-asa." Sabi nito na siyang ikinatawa ko. "Wala akong balak noh! Happy crush lang, eto naman." Natatawa ko paring sabi. Normal lang namang magkacrush sa teachers diba? Since elementary ganun na ako. Malisyosa pala 'tong si Ysabelle. Hahaha! "Sabi ko nga." Sabi nalang nito saakin. One week na ako sa bago kong school, nakasundo ko narin yung mga kaklase ko. Mababait naman sila and approachable kaya hindi mahirap na pakisamahan sila. "Hoy! Ikaw ah, crush mo raw si sir Aldwin?" Pangangasar saakin ni Chris. Kabatch ko siya, at ngayo'y kaibigan na rin. "Kanino mo naman nasagap 'yan?" Kunot-noo kong tanong. Makapagsalita kasi, akala mo may balak akong jowain yung prof. Well, hindi ko naman sinisekreto o binibigdeal yun, kaya okay lang malaman ng buong bayan. Pero iba makatingin si Chris eh, kala mo naman natimbog ako or something. "Syempre kay pres." Pagmamayabang nito at nag inarte pang cool sa pamamagitan ng pagsuklay sa buhok niya. "Si Ysabelle?" Tanong ko pa. "Omsim," Sabi nito. Tumango nalang ako. Eversince naging kaibigan ko si Ysabelle, nasali na ako sa circle of friends niya. Nakakatuwa nga eh, hindi ako nao-op dito. "Sir Aldwin!" Biglang sigaw ni Chris kaya naman nanlaki ang mata ko. Lalo na nang makita kong kinakawayan niya si Sir Aldwin. Lumapit naman sa bench namin si sir. Parang model pa nga maglakad, s**t. Ang gwapo. Sa lahat yata ng teacher na naging teacher crush ko, sya pinaka hot! Tumingin muna ito saakin bago ibinaling kay Chris ang tingin, "What is it?" Napansin ko namang nginingitian ako ni Chris ng nakakaloko. Pasimple ko naman siyang kinurot sa tagiliran para kung may binabalak siya, malaman niya kung sinong kinakalaban niya. "Anong oras ka uuwi?" Nagulat ako sa tinanong niya sa professor namin. What the heck? Close lang? "Maya pa siguro, around 6." Casual na sabi ni sir. 'Di na ako tinapunan nito ng tingin. Like hello, I'm here. Pero nakakaloka, may relasyon ba sila? Bakla ba si sir? Oh no. Sayang! Bigla akong inakbayan ni Chris na ikinabigla ko, "Sabay na kami. Malapit ka lang naman sa Greenbelt 'di ba?" Ha?! Pinagsasabi nito? Kaloka naman! Makikisabay kay sir? Anong kakapalan meron sa mukha niya ha?? "I have somewhere to go pa. Hindi ako didiretso ng condo." Friends ba sila? Ba't may pa-update? "Aww, sayang naman. Sige, next time nalang." "Sige." Sabi ni sir at umalis na. Ba't sila close? Magjowa kaya sila? Friendly naman pala si sir eh, ba't ayaw niya akong kaibiganin? "Ano yun Chris? Pakiexplain nga." Tumawa naman si Chris sa naging reaction ko. "Magaling kasi ako, kaya close ko yun. Tropa tropa ko lang 'yun eh." Mahangin na sabi nito. 'Di talaga matinong kausap. Hindi naman sa sinasadya ko, pero nasa school parin ako kahit 4 PM natapos 'yung klase ko. Badtrip nga eh, hindi ko pala nadala yung kotse ko. Hinatid kasi ako kaninang umaga. Chineck ko 'yung phone ko para malaman kung andito na ba 'yung driver namin. Syempre kung hinatid nila ako, edi dapat sunduin rin nila ako. Napansin ko naman si sir sa 'di kalayuan. Pauwi na siguro siya dahil suot na niya ang backpack niya. Pauwi narin ang karamihan, gustong-gusto ko na tuloy umuwi. Palapit siya saakin kaya nginitian ko siya. Respectful ako eh. "Hi sir!" Bati ko rito. Napahinto naman siya sa harap ko. "Why are you still here?" Tanong nito kaya mas lalo akong napangiti. "Wala pa po yung sundo ko eh." Baka naman may pa-free ride ka jan sir. "I see. By the way, mauuna na ako." Pagpapaalam nito at umalis na. 'Yun na 'yon? Pinanood ko nalang yung paglakad niya hanggang 'di ko na siya makita. Infairness kinikilig ako sakaniya. Gwapo kasi, rawr! Dumating na rin ang sundo ko and finally makakauwi narin ako. Paasa nga 'yung si Chris eh. Kala ko talaga dadalhin niya ako sa Greenbelt, pero nauna nang umuwi. What a scammer. Magkaano-ano kaya sila ni sir? Iniisip ko parin 'yon until now. Kinabukasan, busy ang lahat sa pagrereview. May oral recitation daw kasi. Buti nalang at maswerte ako sa mga ganyan, 1/1000 kasi ang chance ko na matawag. "Nagreview ka na?" Tanong saakin ni Ysa. Pero inilingan ko lang siya. I always have my ways para hindi i-hassle ang sarili ko. Sabi nga nila, don't work hard. Work smart! Dumating na yung gwapo naming prof, walang iba kung 'di si sir Aldwin, at nagsimula na sa recitation. Differentiational equation yung topic, bukod dun, wala na akong alam. "Ms. Jarelle Austin," Naagaw naman agad ang atensyon ko nang biglang tawagin ni sir yung pangalan ko. Don't tell me, ipaparecite ako? Tumayo ako hindi para sumagot, kung 'di para makipagnegotiate. May isinulat siyang numbers sa glassboard which ayokong intindihin dahil masakit lang sa ulo. I love chemistry but please, don't include math in it. Lumapit ako sa glassboard, hindi para sumagot. Iniabot niya saakin yung marker pero hindi ko 'yun tinanggap. "I don't know the answer, sir." I honestly said. Nakita ko kung paano gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. "I completely reminded all of you na mag-aral, am I right miss?" Seryoso niyang sabi. Masyado namang nakakatensyon ang kuya mo! Napansin ko rin yung urge ng mga kaklase kong magbulungan, pero masyado silang takot sa prof na 'to. Pogi naman, anong nakakatakot doon? "Tama ka po. Ako po yung problema, I'm sorry." Sabi ko rito. Mukha na akong tanga dito sa harapan eh. "Aren't you gonna answer it?" Tanong nito saakin. Umiling lang ako kaya napak-tsk siya na parang sinasayang ko oras niya. "Go back to your seat." Utos niya. Pero kesa sumunod, nanatili akong nakatayo sa harap niya. "No sir, kailangan kong maparusahan," I have to say this baka sakaling maawa siya saakin at hindi lang zero ibigay niya. Okay na saakin 70 as grade, tutal pumasok naman ako. Effort rin 'yun. "What?" Nakakunot na ang noo nito. Parang laging masama ang gising, wala sigurong jowa. Ehem, I'm available. "Pwede mo akong patayuin doon sa likod," then tinuro ko yung pinakalikod. "Or pwede ring rito habang nakataas ang kamay." I knew I sounded childish. Pero mas kaya ko 'to kesa mag-aral ba't ba. Kaniya-kaniyang trip lang 'yan! Parang napaisip muna saglit si sir Aldwin bago ako sinagot, "I can just give you zero, so get back to your seat." Napasimangot naman ako. Ayoko nga zero noh. Ganun palagi ang routine ko sa klase. Minsan nga, naririnig kong pinagtsitsismisan na nila akong bobo, pero pagkaharap ko naman sila, sobrang bait. Ang paplastic. "Mag-aral ka kasi, ipakita mo sakanila na mali sila." Advice saakin ni Ysabelle. "Oo nga, halata pang crush na crush mo si sir Aldwin," Sabi naman ni Chris. Tingin rin kasi saakin ng mga kaklase ko, landi lang ang ipinasok ko rito. Well, magaling ako sa chemistry noh. Memorize ko periodic table pati grams nila. "Kaso tama sila eh. Mahina talaga ako sa acads." Pag-amin ko sakanila. Nung Thursday, nagpa-open question si sir Aldwin about sa mga diniscuss niya. Parang review lang kumbaga. Prelims na kasi next week. Isa-isa kaming binigyan ng chance para magtanong sakaniya at nung turn ko na, hindi ko na pinalampas ang chance. Ngumiti muna ako bago nahtanong, "May jowa ka na sir?" Halos lahat naman sila ay napatingin saakin. Tumawa ang iba kong mga kaibigan at nagkaroon din ng bulong-bulungan. "Miss Austin, please refrain from asking personal questions." Sagot nito saakin. Nakasuot siya ngayon ng itim na long sleeve, at nakabukas yung dalawang butones. Hindi naman sa manyak ako, pero kitang-kita ko rin yung biceps niya. "Ano po pala ang dapat kong itanong?" Maang maangan kong sabi. Tutal boba naman tingin nila saakin, then bibigyan ko sila ng show. Dinilaan ni sir yung labi niya bago ako sinagot, "Questions that can help you on your exam." "Kung ganun, tama nga po yung tanong ko. May jowa ka na ba sir?" Naramdaman kong siniko ako ni Ysabelle, pero hindi ko 'yon pinansin. "What?" "Pag wala pa, then maiinspire akong mag-aral kasi magpapakitang gilas ako sayo. Pero kung meron na, hindi ko na kailangang pagurin ang sarili ko para mag-aral sa subject mo." Hindi na siguro napigilan ng mga kaklase kong magreact kaya biglang umingay ang classroom namin. Don't feel special sir Aldwin, marami na akong napakilig na teachers. "Lakas talaga boss Jarelle!" "Idol paturo." "Ang landi naman." Napatawa nalang ako sa reaksyon nila kahit may mga atribidang hindi nagugustuhan 'yung eksena ko. Hinawi ko 'yung buhok ko at nginitian pa lalo si sir nang mapansing sinusuri niya ako. Maybe nagtataka siya kung anong klase akong studyante. Hmm? "Sorry to disappoint you, pero hindi ako pumapatol sa studyante."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD