"Asan na ba ako?"
Mag-iisang buwan na ako sa bago kong school. Pero hindi ko inakalang maliligaw pa ulit ako.
Sadyang napakalaki lang pala talaga nito.
Papunta kasi ako sa faculty ng communication department dahil nagkandaleche-leche yung grades ko sa Communication prof ko. Kaloka nga kasi ba't ibang department pa faculty niya 'di ba?
Thankfully, nakita ko si sir Aldwin na naglalakad, kaya agad ko itong hinabol.
Hindi naman ako awkward sakaniya since the classroom incident. Nahalata naman siguro niyang normal lang saakin 'yon. Pero ang gwapo parin talaga niya. Pati tindig niya ang hot panoorin.
Model ba siya? Kasi kung hindi, dapat subukan niyang mag-apply.
"Sir!" Paghabol ko rito.
Nagulat naman siya sa biglang pagsulpot ko. Napahinto siya sa paglakad at mabilis na humarap saakin bago nagsimulang maglakad ulit na sinabayan ko naman.
"Can I help you with something?" Sabi nito habang naglalakad kaya inunahan ko siya ng konti at hinarang ang sarili ko sakaniya. "Hindi ko po alam yung office ni Ms. Ruiz," Sabi ko rito pertaining to my communication teacher.
"Communication department is at the Luiston st. You can check the map there." Sabi nito at tinuro yung standee ng map ng school namin.
Sa sobrang laki ng school, kailangan talaga ng map. Ang problema ko lang, mahina ako sa directions. Ayoko naman sabihin 'yun kay sir, baka mapahiya lang ako. Bawas ganda points din 'yon.
"Eh sir, andiyan ka naman. Ikaw nalang magturo." Kahit simpleng explaination lang kung saan ako pupunta, okay na saakin 'yun.
Umiling-iling ito na parang hindi makapaniwala saakin. "Don't tell me, you can't read maps too?"
Napatahimik naman ako. Ganun ba ako ka-obvious?
"Tsk tsk." Narinig kong sabi ni sir at naglakd na ulit. Napasunod naman ako sakaniya.
"Sir, alam kong busy ka at marami kang ginagawa. Pero hindi naman masasayang yung thirty seconds na ilalaan mo saakin, for direction." Sabi ko rito pero hindi lang ako nito pinansin.
Ngdire-diretso lang ito papunta sa building na hindi ko alam kung ano. Nakalimutan kong tingnan 'yung building name dahil mas nakakaakit tingnan 'yung likod ni sir Aldwin.
Ang daming bumabati sakaniyang studyante pero tinatanguan lang niya ang nga ito. Famous.
Saan na kaya kami? Alam kaya niyang nakasunod parin ako? "Sir!" Pagtawag ko rito. Mainform man lang siyang may nakasunod sakaniya.
Bigla akong nauntog sa likod niya nang huminto siya. Nasapo ko ang noo ko bago ibinaling ang tingin sakaniya.
"Fifth floor, room 501," Sabi nito na ipinagtaka ko. "Huh? Anong meron doon sir?"
"I thought you're looking for miss Ruiz?"
Napaawang naman ang bibig ko. So nasa communication department na pala kami? Dito rin pala punta niya, pinahirapan pa ako.
"You're the best talaga sir! Thank you." Masayang sabi ko rito bago naglakad palayo. Kinawayan ko pa ito bago sumakay sa elevator, pero di na niya iyon nakita.
Pinagalitan lang ako nung oras na 'yon. Pagkatapos ay umuwi na ako. Nag-aya pa nga si Ysabelle ng celebration para sa pagtatapos ng prelim pero ano namang icecelebrate ko? Yung pagkabagsak ko? No thanks nalang.
Tsaka medyo wala ako sa mood na magskating sa MOA. I'm up to something kaya kinontak ko 'yung mga friends ko sa previous school ko.
"What's up Xavier!"
["Yow Jarelle. Good timing ka. C'mon here,"] Bakas sa boses ni Xavier yung pagkawild. Alam ko na sa boses palang niya na nagpapakasaya sila dun.
"Saan kayo?" Tanong ko. Rinig ko rin ang ingay ng paligid. Can't wait to be there!
["Xylo! You should have seen Karylle. Bilisan mo ha!"] Then he hung up.
Nag-ayos naman kaagad ako. Simpleng makeup lang. Kilay, one shade eyeshadow, eyeliner, then inilugay ko ang buhok kong may huge curl. Nagsuot rin ako ng black na bralette at cargo pants na cream color. Sinamahan ko narin ng wrist watch at high heels boots na kulay itim.
Nung na-satisfy na ako sa ayos ko, dumiretso agad ako sa BGC. Ito yung klaseng gala na hinahanap ko, not skating. Pero hindi naman sa ayaw kong kasama sila Ysabelle, iba lang talaga trip ko ngayon.
Pagdating ko sa Xylo, wasted na si Karylle-- bestfriend ko. Habang yung kambal na sina Xander at Xavier ay hindi ko na mahagilap pa.
"Ugh! I want to make ouuuuut!" Sigaw ni Karylle na nasa katabing couch lang nung saakin. Napailing nalang ako at nagsalin ng Rose Tequilla sa pinakamalapit na shot glass saakin.
Maaga pa, lasing na 'tong babaeng 'to. Ano kayang nangyari?
"Hoy Karylle, ayos ka lang ba?" Tanong ko rito pero ang bruha, di man lang ako pinansin.
Tumayo ito at pagewang gewang na naglakad sa kabilang table na siyang ikinagulat ko. Kakarating ko lang, tapos mag-aalaga lang pala ako ng lasing dito?
Chinug ko yung Bacardi na nasa table namin bago sinundan si Karylle.
"Hey, I'm Karylle. Anyone's free here?" Napasapo ako sa noo ko nang marinig ang pinagsasabi niya.
Gusto kong magsaya, hindi mag-alaga. Kawawa naman ako.
"I'm really really sorry. She's so drunk." Pag-eexplain ko sa kabilang table at hinigit yung dalawang balikat ni Karylle para pigilan siya sa masamang binabalak niya.
"No it's okay. Sit down ladies, we won't hurt you." Sabi nung isang lalaki. Mukha naman silang matitino at professionals.
Nauna nang umupo si Karylle at biglang sumandal sa dibdib nung isang lalaki. Wala naman akong nagawa lalo pa't hayaan ko nalang daw si Karylle sabi nung lalaking halos yakapin na niya. Kaya heto, binabantayan ko nalang siya.
"Have a drink." Sabi nung lalaki ng nagsabi ng 'it's okay'. May pagkabrown yung buhok niya at medyo moreno na maputi. Gwapo rin siya pero 'di na mahalaga 'yun.
Nagsmall talk lang kami at tamang inom. Masaya naman silang kainuman, medyo nakakabother lang 'tong si Karylle sa tabi ko na nakikipaglampungan na.
May mga partner na rin 'yung ibang lalaki, kaya yung guy na kausap ko, lumapit nalang saakin para kami lang dalawa ang makapag-usap.
Hindi ba siya lalandi? O baka ako balak nito landiin?
"You look sexy by the way." Sabi nito at mas lumapit na saakin.
Napangiti nalang ako. Sayang 'di ko siya type eh. Pero para sa'n pa't andito ako? Syempre, para makipag-socialize.
"Thank you, ikaw rin. You look dazzling." Pagpuri ko rito pabalik. Hinawakan naman nito yung binti ko. Medyo nagulat pa ako dun pero hindi ko pinahalata na uncomfortable ako.
Lahat sila dito nagmimakeout na, malamang ay 'yun din ang nasa isip ng lalaking 'to. Hindi naman sa pabebe ako or what, pero gusto ko munang sumayaw at uminom pa.
"You know you're exactly my type right?" Bulong nito saakin kaya napatawa nalang ako. Obviously, ako yung gusto niyang maikama ngayong gabi.
Bigla naman siyang napalayo saakin nang may dumating sa table nila. Napatayo siya at nakipagbeso roon. Napatingin naman ako at halos maluwa ko 'yung mata ko nang makitang si sir Aldwin 'yun. Nagkaclub siya?
"Bro! What took you so long?" Tanong nitong kasama ko na ang pangalan raw ay Lester.
Bumulong ako kay Lester na aalis muna ako. Mukhang hindi pa siya papayag pero wala na siyang nagawa nung nakaalis na ako.
Sana 'di ako nakita ni sir. Baka isipin nun, kaya ang boplak ko ay dahil party girl ako.
Bahala na si Karylle doon, sanay naman magising 'yun sa condo ng ibang lalaki. Minsan sa hotel pa nga eh.
Dumiretso ako sa dancefloor. Alam kong may tama na ako, pero okay lang. Kung kani-kanino ako napasayaw hanggang sa nakita ko si Xander sa dancefloor na nakikipagsayaw sa grupo.
Sumali ako roon at gumiling-giling din. Hinala naman ako paalis ni Xander at sumayaw kaming dalawa. Hindi rin nagtagal ay tinulak niya ako sa kung sino which is normal nalang para saamin. Ibig sabihin no'n, may nakita na siyang babae at kailangan na niya akong i-dispose. Asshole right?
Nauntog ako sa dibdib ng lalaki. Pero hindi ko 'yon pinansin at nakipagsayaw parin sakaniya. Medyo demure pa ng galaw niya, halatang hindi sanay. Pero ang bango niya ha.
Napatingin naman agad ako sa mukha niya at parehas kaming natulala sa nakita.
"Sir Aldwin," Hindi ko mapigilang sabihin. s**t. s**t. s**t. Bakit siya pa?
Turn off na! Bawas na ganda points ko.
Hinila ako nito palabas ng club, ako naman ay nagpahila nalang. Pero nagtataka parin ako kung bakit niya ako hinihila. Close ba kami? Oh baka naakit ko siya?
Car s*x ba next dito? Or sa condo? Or... Oh my god! Baka dito sa public?!
Nang makalabas kami, hindi siya makapaniwalang tumingin saakin. Sino ba namang hindi, makita mo ba naman studyante mong wild na sumasayaw sa club. Tapos ang hot ko pa.
Medyo tipsy na rin ako kaya hindi ako makapag-isip ng naaayon sa moral principle ko.
"Hi sir! Are you here to have fun too? Sakto, type pa naman kita," Carefree kong sabi at lumapit sakaniya. Inabot ko ang tenga niya at doon bumulong, "You're place or mine?"
"You're not on your right mind. Umuwi ka na, I'll take you home." Itinabig ko naman kaagad ang kamay niya.
Wow ha.
"No! Crush kita pero hindi naman kita jowa. Kung ayaw mong makipagmakeout, maghahanap nalang ako ng iba!" Sabi ko at umalis kaagad sa harap niya.
Pumasok ako sa Island at dun nagparty. Lumaklak rin ako ng alak hanggang sa naramdaman kong parang umiikot na ang mundo.
Asan na ba yung kambal? Parang gusto ko nang umuwi.
Bumalik ako sa Xylo para pumunta sa table namin. Mas lalo akong nahilo dahil enclosed yung space dito.
Bumagsak ako sa sofa namin nang maramdamang may tao sa tabi ko. Sino ba 'to? Bagong lalaki ni Karylle? Or lalaki ko?
Hinawakan ko ang dibdib nung lalaki at mas ibinaon ang mukha ko sakaniya. Ang bango talaga! Nakakaadik naman. Uso ba 'tong pabangong 'to? Parang naamoy ko 'to kanina eh.
Inabot ko ang batok niya kahit hindi ko na maaninang ang paligid bago hinila ito para mahalikan ko. Ito na, ito na 'yung lalaki ko ngayong gabi.
Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Buti nalang at linggo ngayon kaya walang pasok, pero s**t! Ang sakit talaga.
Mas lalo pa itong sumakit nung idilat ko ang mga mata ko at tumama saakin ang liwanang ng araw. f**k! Nakalimutan ko bang isara ang kurtina ng kwarto ko?
Pero I was wrong. Nang maaninang ko ang paligid, wala pala ako sa kwarto ko. Inilibot ko ang tingin sa kabuohan ng kwarto habang sapo sapo ko ang noo ko.
Napatingin agad ako sa suot ko at nang mapansing wala namang nag-iba, para akong nabunutan ng tinik. But honestly, inexpect ko na 'yung worst scenario.
Una kong chineck ay yung phone ko. Nakita kong nagmissed call saakin si Xavier at nagtext pang magbestfriend daw talaga kami ni Karylle, parehas nagpapauwi.
Si Xander naman, nagtext na ingat daw ako sa kasama ko dahil prof daw 'yun sa school ko, baka makilala ako. Nanlaki naman agad ang mata ko.
Kinakabahan akong lumabas ng pinto para tumakas nang biglang nakatayo rin pala doon si sir Aldwin at akmang bubuksan niya 'yung pinto ng kwartong kinaroroonan ko. "You're awake." Maikling sabi niya.
Para naman akong pinaliguan ng kahihiyan. Why he? Ang dami-daming lalaki sa club tapos siya pa mag-uuwi saakin?
"Ba't po ako nandito?" Naguguluhang tanong ko.
Bigla namang nagflashback saakin yung pag-aya ko sakaniya ng makeout. Err. Nakakadisappoint ka talaga Jarelle! Wala ka nang ginawang tama, sa teacher mo pa!
"Kumain ka muna. Food is already prepared." Sabi nito. Napalabas naman agad ako at sinuri ko ang pad niya. Sakto lang para sa isang tao, pero yung mga gamit, organized.
I don't understand. He's a teacher with this kind of unit? Siguro kasing laki niya yung VIP hotel room na kinuha dati ni daddy sa Burj Khalifa sa Dubai.
Pumunta ako sa dinning area at nakita ko naman agad ang mga pagkain doon. Mukhang masarap, pero wala talaga akong gana dahil sobrang nahihilo pa ako at masakit ang ulo.
Gusto ko nalang umuwi at kalimutan lahat ng 'to.
Nilagpasan ko ang hapag-kainan at dumiretso sa pintuan para tumakas. Ibababa ko na sana 'yung lever handle nang may magsalita sa likuran ko, "i told you to eat didn't I?"
Napaharap ako kay sir Aldwin na may isang metro ang layo saakin. Ano bang pake niya kung 'di ako kumain? Professor ko lang naman siya ha... f**k! Professor ko nga pala siya!
Nakasuot lang siya ng puting t-shirt at blue shorts. Ganito pala itsura niya sa umaga? Ang ganda sana tingnan kaso nasa maling timing ako eh!
Nakagat ko ang ibabang labi ko at parang tutang tumingin sakaniya. Hindi naman ako nagsalita at dumiretso nalang sa mesa at doon pinilit na kumain.
Pwede naman niya akong hindi iuwi 'di ba? Pwedeng ibigay niya ako sa mga kaibigan ko. Pwede ring iwanan nalang niya ako sa club kagabi, pero bakit ako nandito? Inaya ko siya magmakeout, pumayag kaya siya? Ginawa kaya namin 'yun kagabi? Pero ito parin 'yung suot ko. Ba't ba niya ako dinala rito? Dahil studyante niya ako?
"I have no choice but to bring you here."
"Huh?" Naririnig kaya niya yung iniisip ko? Manghuhula ba siya?
"Stop thinking and just eat. May gamot rito, drink after you're done." Sabi nito at umalis pumunta sa may living area niya.
Ano bang ginawa ko kagabi? Ba't no choice? Its not like, sobrang naging clingy ako sakaniya at ayaw ko siyang pakawalan, right? Hindi naman siguro 'yun ang nangyari.
Biglang nagring ang phone ko kaya agad ko namang sinagot 'yung tawag.
["Nasa akin susi ng kotse mo ha, pahatid ka nalang sa prof na nilandi mo."] Sabi ni Xander sa kabilang linya.
Malalagot talaga 'to saakin! Alam naman pala niyang prof tapos itutulak pa niya ako doon. Bobo ba siya?
"Kasalanan mo 'to eh! Sunduin mo nalang ako, please." Halos magmakaawa ako rito. Napasulyap naman ako kay sir Aldwin at napansin kong busy siya sa panonood ng balita.
["Ako pa talaga ha? Sino ba 'yung dikit ng dikit sa lalaki? Ako ba?"] Natahimik ako sa sinabi ni Xander. Ginawa ko ba talaga 'yon? Parang 'di ko kayang isipin.
["Goodluck nalang sa'yo jan. Dinaig mo pa si Karylle, HAHAHAHA"] Sabi nito bago ibinaba ang tawag.
Wala na talaga akong mukhang maihaharap pa kay sir.
Pagkatapos kong kumain, andalawang isip pa muna ako bago tuluyang nilapitan si sir Aldwin. Hindi ako magpapahatid sakaniya, magpapaalam lang.
"Sir, sorry po talaga sa nangyari kagabi. Sobrang lasing lang po talaga ako, tsaka 'di ba nga, crush kita." Sabi ko rito. Nakatingin lang naman siya saakin na parang hinihintay ako sa kung anong sasabihin ko pa. "Kalimutan nalang po natin 'yun, tsaka sana po h'wag niyo akong ijudge ah." Sabi ko oa.
"I won't do that. Don't worry." Sabi nito.
"Sige po, aalis na ako."
Tumalikod na ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko, "Wait here, I'll get my keys."